56 sana sila: 32 Pinoy mula mismo sa Wuhan, nasa Pilipinas na

56 sana sila: 32 Pinoy mula mismo sa Wuhan, nasa Pilipinas na

- Dumating na sa Pilipinas ang 32 na Pinoy na pinayagang makalikas mula sa episentro mismo ng kinatatakutang 2019 novel coronavirus acute respiratory disease

- Sinundo sila ng limang medical team ng Department of Health ng bansa noong Pebrero 8 ng gabi

- 56 dapat ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na susunduin sa Wuhan, China ngunit 24 sa mga ito ay di nakasama

- Masasabing naging matagumpay ang pagsundo sa mga ito bagaman at nalipasan ng gutom dahil sa delayed flight

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakarating na sa bansa ang 32 na mga Pilipinong pinahintulutang lumikas mula sa Wuhan, China.

Ayon sa CNN, 56 ang orihinal na nagpalista sa Department of Foreign Affairs ngunit halos kalahati ang nanatili pa rin sa China.

Sinundo noong Pebrero 8 ng gabi ng medical ng team ng Department of Health ang mga Pinoy na mula sa episentro ng kinatatakutang virus.

Tinawag pa ng DOH ang medical team na "The Brave 5" dahil pumayag ang mga ito na sumundo sa mga kababayan natin kahit na masasabing may nakaambang panganib ang lugar dala ng virus.

Bago umalis sa China, dumaan muna sa ilang prosesong medikal ang mga Pinoy upang masigurong wala silang anumang sintomas ng nakahahawang sakit.

Mayroong seat plan sa eroplano na kasama sa paghahanda ng paglikas sa mga Pinoy.

Nasa unahang bahagi ang medical team habang nasa gitna naman ang 32 na mga Pilipinong sinundo sa China.

Ang limang rows ng eroplano ay bakante at nakareserba sakaling may makaramdaman ng kakaiba ang mga lulan ng eroplano.

Diniretso ang mga kababayan natin sa New Clark City sa Capas, Tarlac upang doon i-quarantine sa loob ng 14 na araw.

Araw-araw pa rin silang oobserbahan doon upang masigurong di nila dala-dala ang nakahahawang virus.

Maayos ang bawat silid na paglalagakan ng ating mga kababayan.

Maging ang medical team at ang mga staff sa eroplano gayundin ang mga piloto na nagbiyahe sa mga Pilipino mula China ay kasama ring sa pag-quarantine.

Masasabing matagumpay ang isinagawang pagsundo sa mga Pilipino bagaman at nalipasan daw ang mga ito ng gutom dahil sa delayed flight.

Hangad naman ng DOH na sana'y di makaranas ng anumang karamdaman ang ating mga kababayan na naka-quarantine upang makauwi na rin ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel