Ilang turistang Chinese, nakapuslit sa Mindanao sa kabila ng travel ban

Ilang turistang Chinese, nakapuslit sa Mindanao sa kabila ng travel ban

- Sa kabila ng travel ban sa mga turistang nagmula sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng coronavirus, may mga turistang nakakalusot pa rin

- Ilan diumano sa kanila ay nakapunta pa sa Mindanao nang hindi sumasailalim sa mandatory 14-day quarantine

- Nauna nang pinatupad ng Department of Health (DOH) ang quarantine sa mga taong kakikitaan ng mga sintomas ng flu

- Gayunpaman, ang mga turistang hindi nagpapakita ng mga sintomas ay hindi na sumailalim sa quarantine kahit pa nanggaling sila sa mga bansang may kumpirmadong kaso na coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng pangamba sa epidemyang dulot ng nCoV, pinatupad ang travel ban sa mga turistang nagmula sa mga bansang may kumpirmadong kaso na coronavirus. Gayunpaman, may mga turistang nakakalusot pa rin.

Mayroong nakapamasyal pa sa ilang destinasyon sa Mindanao nang hindi sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Nauna nang pinatupad ng Department of Health (DOH) ang quarantine sa mga taong kakikitaan ng mga sintomas ng flu. Gayunpaman, pinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at local officials na sumailalim sa mandatory isolation ang lahat ng turista.

Ayon kay Southern Mindanao DOH regional director na si Annabelle Yumang, hindi lahat ng mga turistang nagmula sa apektadong mga bansa ay sumailalim sa quarantine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanging ang mga turistang may flu-like symptoms lamang ang madadala sa isolation area. Ang mga turistang hindi nakitaan ng sintomas ay maituturing lamang na “persons under monitoring” at pinapayagang makabiyahe sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

Dagdag pa ni Yumang, “We’re trying to use that tool so that it would not be unfair to those affected. But once they start to feel the symptoms, they are immediately asked to go to the nea­rest health center, and if they’re more comfortable, to the nea­rest hospital."

Matatandaang nagdulot ng pangamba sa buong mundo ang pagdami ng nahahawa ng nCoV na pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan, China.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel