Pangalawang kaso ng Pinoy na nagpositibo sa nCoV, naitala sa Dubai

Pangalawang kaso ng Pinoy na nagpositibo sa nCoV, naitala sa Dubai

- Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tungkol sa balitang isang Pinoy ang nagpositibo sa nCoV sa Dubai

- Nakikipagtulungan diumano ang Philippine Embassy sa health authorities sa UAE hinggil sa kaso ng Pinoy

- Kasalukuyang inooberbahan at binibigyan ng medikal na atensiyon ang Pinoy sa UAE

- Pinalalalahan naman ng DFA ang lahat ng Pinoy sa UAE na sumunod sa hygeine protocol ng World Health Organization at Mohap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumpirmado ang pangalawang kaso ng Pinoy na nagpositibo sa nCoV. Ito ay ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Dagdag pa ng ahensiya, nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa United Arab Emirates sa mga health authorities sa UAE hinggil sa kaso ng isang Pinoy na nagpositibo sa nCoV.

Ito ang pangalawang kaso ng Pinoy na nagpositibo nCoV.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“[Based on the] report that came out today from the [UAE’s] Ministry of Health and Prevention (Mohap), the concerned Filipino is under observation and is being given the necessary medical care in accordance with the highest standards in the UAE." - DFA

Matatandaang ang unang nagpositibo sa nCoV ang isang crew ng cruise ship na Diamond Princess na dumaong sa Yokohama, Japan.

Binilinan din ang mga Pinoy na tanging sa UAE health authorities lamang kumuha ng impormasyon at iwasang magbahagi ng hindi verified na information sa social media.

Matatandaang inalmahan ng Dubai Ministry ang lumabas na balitang nCoV ang ikinasawi ng Pinay sa Dubai. Pinasinungalingan nila ito at sinabing pneumonia ang ikinamatay ng Pinay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel