Mga Chinese na na-quarantine sa Romblon, nagpasalamat at humingi ng tawad sa liham

Mga Chinese na na-quarantine sa Romblon, nagpasalamat at humingi ng tawad sa liham

- Nagpasalamat ang apat na Chinese na isinailalim sa quarantine sa Romblon sa gitna ng banta ng 2019 nCoV

- Sa isang liham, inihingi nila ng paumanhin ang naidulot nilang pang-aabala at pangamba

- Ipinagpasalamat din nila ang magandang pakitungo sa kanila habang sila ay sumailalim sa quarantine

- Nakaalis na sila noong ika-4 ng Pebrero patungong Manila kung saan nila ipinagpatuloy ang natitira nilang araw para sila ay mag self-quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihingi ng paumanhin ng apat na Chinese na isinailalim sa quarantine sa Romblon sa gitna ng banta ng 2019 nCoV ang naidulot nilang pang-aabala at pangamba dahil sa kanilang bakasyon.

Sa pamamagitan ng isang liham, ipinagpasalamat din nila ang magandang pakitungo sa kanila habang naka quarantine sila sa Romblon.

Nakaalis na sila noong ika-4 ng Pebrero patungong Manila kung saan nila ipagpapatuloy ang natitira nilang araw para sila ay mag self-quarantine

Ibinahagi ng Facebook user na si Daphne Faith Gabaldon ang liham na umani ng libo-libong shares sa iba't-ibang Facebook page.

Isinulat ni Wen Cong ang liham na ito para sa kaniya, sa kaniyang girlfriend na si Shangfei, at sa kaniyang mga magulang na sina Huang Chaoyung at Wen Lishan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naiulat ng ng GMA News, Enero 27 nang dumating ang apat sa Pilipinas at saka pumunta sa Lucena. Doon ay sumakay sila ng RORO patungong Marinduque at Romblon, kung saan nagpatupad naman ng quarantine para sa lahat ng mga nagmula sa China.

Naging usap-usapan sa social media ang diumano'y diskriminasyong dinadanas ng mga Chinese mula sa ibang Pinoy. Kaya naman naging panawagan ang pagiging maunawain at makatao sa gitna ng pangamba ng epidemya na dulot ng nCoV.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel