Maymay Entrata, nilinaw ang tungkol sa diumano'y 'pagkakadulas' niya sa relasyon nila ni Edward

Maymay Entrata, nilinaw ang tungkol sa diumano'y 'pagkakadulas' niya sa relasyon nila ni Edward

- Nilinaw ni Maymay Entrata ang tungkol sa nag-viral na video kung saan diumano siya nadulas tungkol sa tunay na relasyon nila ni Edward Barbers

- Ito ay matapos itanong sa kanya ni Robi Domingo noong Enero 12 kung nag-aaway ba sina Entrata at Barber

- Sagot ni Maymay, "Lagi po kaming nag-aaway pero ang importante dun ay kami pa rin"

- Paglilinaw ng dalaga, bestfriends lamang sila ni Edward

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Maymay Entrata ang tungkol sa video kung saan inisip ng karamihan na nadulas siya sa tunay na estado ng relasyon nila ni Edward Barber.

Matatandaang naitanong ni Robi Domingo noong Enero 12 kung nag-aaway ba sina Entrata at Barber, at ito ang naging sagot ng aktres: "Lagi po kaming nag-aaway pero ang importante dun ay kami pa rin."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang panyam sa ABS-CBN news, nilinaw ni Maymay ang kanyang ibig sabihin sa kanyang naing sagot.

"Ang ibig sabihin noon: okay kami. Hindi 'yon ibig sabihin na kami na kami... Itong si Kuya Robi kasi tanong nang tanong, siyempre ma-ano ka talaga... I stuttered only," paglilinaw niya.

Dagdag pa niya, bestfriends lang talaga silang dalawa.

Sina Maymay Entrata at Edward Barber ay sumikat nang sumali at mapabilang sila sa Pinoy Big Brother Lucky 7 big 4.

Nakilala si Maymay sa kanyang husay sa pagrampa, pag-awit at pagmomodelo.

Sa naunang ulat, naging usap-usapan ang magazine cover ni Maymay.

POPULAR: Read more about Maymay Entrata here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel