Forever ng 1 couple, nagsimula lang daw sa "wave emoji" sa Messenger

Forever ng 1 couple, nagsimula lang daw sa "wave emoji" sa Messenger

-Kahit milya-milya ang distansiya sa bawat isa, hindi pa rin ito naging hadlang sa "happy ending" ng mag-asawang Gian at Kate

-Kwento pa ng mga ito, nagsimula ang kanilang love story sa isang simpleng "wave emoji" sa Messenger

-Matapos nito ay nagkamabutihan na ang dalawa hanggang sa humantong na nga sa kasal

-Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahit milya-milya raw ang distansya ng mag-asawang Gian at Kate noon, hindi pa rin ito naging hadlang sa kanilang "road to forever".

At ang kanilang love story, nagsimula lang daw sa isang simpleng "wave emoji" sa Messenger.

"Trust me. May hiwaga sa loob ng emoji na WAVE," ayon sa Facebook post ni Kate.

Sa isang FB post ng GMA News, kung saan naitampok din ang istorya ng dalawa, napag-alamang nasa magkabilang-panig ng mundo ang dalawa bago nagkakilala.

Nasa Italy si Gian habang nasa Pilipinas naman si Kate.

Ibinahagi rin nila ang screen shot ng kanilang conversation noon.

At matapos nito ay nagkamabutihan na ang dalawa hanggang sa humantong na nga sa kasal.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

"Bagay silang dalawa pareho silang gwapo at maganda...ganyan talaga pag kayo talaga ang nakatadhana....best wishes sa inyong dalawa."

"Hindi ako sa messenger nagwave haha pero ako una nagmessage ng Hi haha ngayon asawa ko na sya."

"Hndi lahat nang wave sa poreber na uuwi merung iba wave tpus sabay kmsta tpus uutang lng pala."

"Wave nga ako ! Kaso baka kakahiya ih hahaha. Baka nasa office lang yung forever ko."

"Dalawang kamay pa nga ginamit ko wala padin e."

"Sana all hahahahaha hoy mag wave na kayo sakin baka mag wave back din ako hahaha."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel