Flower shop sa Baguio, kinagiliwan sa pagbebenta ng "coronavirus bouquet"

Flower shop sa Baguio, kinagiliwan sa pagbebenta ng "coronavirus bouquet"

- Agaw eksena sa social media ang binebentang "coronavirus bouquet" sa isang flower shop sa Baguio

- Imbis na mga bulaklak, may mga ibang "gamit" pa itong kasama sa bouquet na tila napapanahon

- Nararapat mo raw na ibigay ito sa taong mahal mo dahil sa gugustuhin mo siyang maging ligtas sa kinatatakutang 2019 novel coronavirus

- Iba't ibang klase ang mga bouquet na tiyak na kagigiliwan ng pagbibigyan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tiyak na kikiligin sa tuwa ang makatatanggap ng tinatawag na "coronavirus bouquet" na pinagkakaguluhan ngayon sa Baguio City.

Tila napapanahon daw kasi ang flower arrangement na ito dahil kakaibang kasama ng mga bulaklak na maari raw pangontra sa kinatatakutang sakit na 2019 novel coronavirus o nCoV.

Binahagi ng Philippine Star ang ilang larawan ng tinawag na "coronavirus bouquet" at may iba't ibang klase ng arrangements ito.

Bukod kasi sa mga bulaklak, sinamahan ito ng alcohol, hand sanitizers, sabon at ang in demand ngayon na face mask. Ito raw kasi ang kailangan upang mapanatiling malinis ang taong iyong minamahal at makaiwas ito sa lumalaganap na virus.

At dahil pinaniniwalaang hindi tumatagal ang virus na ito sa maiinit na lugar, mayroon ding flower arrangement kung saan mga pampainit ng katawan ang kasama ng mga bulaklak tulad ng alak.

May kasama pa itong mga "chaser" tulad ng juice at ilang prutas.

Kinagiliwan ito ng marami dahil sa gugustuhin mo nga naman daw talagang ibigay ang kakaibang bouquet na ito sa taong mahal mo dahil nanaisin mong maging ligtas siya sa naturang virus.

Ang karamihan pa nga ng mga kababaihang netizens ay nagawa nang i-tag ang kanilang mga kabiyak at tila ipinahihiwatig na iyon ang nais nilang matanggap sa araw ng mga puso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Honey, alam mo na! lalo na yung face mask ok?"
"Ay bet kong makatanggap nito, wag na yung mga chocolates na yan, alcohol at face mask ok na"
"Kahit wala na nga yung bulaklak yung hygiene kit plus face mask ok na e"
"Hahahahaha, yung gin talaga ang nagdala e tapos may chaser pa. solb patay ang virus nyan"
"Ewan ko na lang kung tablan pa ng virus ang makakatanggap niyan, sweetest gift yan sa panahon ngayon"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel