Ikalawang Pinoy na kumpirmadong tinamaan ng nCoV, nasa UAE

Ikalawang Pinoy na kumpirmadong tinamaan ng nCoV, nasa UAE

- Kinumpirma ng UAE's Ministry of Health and Prevention na isang Pinoy ang tinamaan ng 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease sa kanilang lugar

- Ito ang ikalawang kumpirmadong kaso kung saan pawang mga Pinoy na nasa abroad ang naging biktima ng kinatatakutang virus

- Maaalalang isang na seaman na lulan ng cruise ship sa Japan ang pinakaunang kumpirmadong kaso ng nCoV kung saan Pilipino ang tinamaan

- Sinisiguro naman ng naturang health ministtry na binibigyan ng karampatang medikal na atensyon ang Pinoy sa UAE

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa Dubai ang ikalawang Pinoy na tinamaan ng kinatatakutan ng lahat na 2019 novel coronavirus acute respiratory disease o nCoV.

Ito ay kinumpirma mismo ng Ministry of Health and Prevention ng United Arab Emirates sa Department of foriegn affairs ng ating bansa.

Ayon sa ulat ng Philippine Star kasabay na nagpositibo ng Pinoy ang isa pang Chinese national na kasalukuyan ding nasa Dubai.

Matatandaang una nang naiulat ng KAMI na ang pinakaunang kumpirmadong kaso ng nCoV kung saan Pilipino mismo ang tinamaan ay isang seaman na sakay ng Diamond Princess cruise ship.

Kasalukuyan itong nasa Japan at inalis sa quarantine upang mas mabigyan ng maayos na atensyong medikal sa ospital.

Ikalawang Pinoy na kumpirmadong tinamaan ng nCoV, nasa UAE

source: Inquirer
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maigting na pinaalalahanan ng DFA ng bansa na laging sumunod sa mga hygiene protocol ng UAE.

Huwag din daw basta maniwala sa mga post patungkol sa kalagayan ng Dubai kaugnay ng nCoV sa mga hindi naman awtorisadong health ministries.

Siniguro naman ng MOHAP na nakatatanggap ng maayos at kaukulang medikal na atensyon ang ating kababayan na tinamaan doon ng nCOV.

Kasalukuyang tatlo pa rin ang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus sa bansa sa lahat sa mga ito ay pawang mga Chinese na mula mismo sa Wuhan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel