Nag-viral na 75-anyos na padyak driver dahil sa "mabagal" na patakbo, nabiyan ng sari-sari store

Nag-viral na 75-anyos na padyak driver dahil sa "mabagal" na patakbo, nabiyan ng sari-sari store

- Minsan nang nag-viral ang larawan ng 75-anyos na padyak driver dahil may kabagalan na ito sa pagmamaneho

- Hinangaan parin kasi ang lolo na sa kabila ng edad ay nagsusumikap pa ring maghanapbuhay

- Para di na mahirpaang magmaneho ang matanda, binigyan ng Syrian vlogger ang matanda ng sariling negosyo

- Laking tuwa at pasalamat ng matanda sa biyayang ito dahil aminado siyang may kahinaan na dala ng kanyang edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang namahagi ng biyaya ang Syrian vlogger na si Basel o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer"

At ang maswerte nga niyang natulungan ay ang minsan nang nag-viral na 75-anyos na padyak driver.

Naging agaw pansin noon ang padyak driver nang maibahagi ng isa niyang pasahero ang kanyang karanasan sa pagmamaneho ng lolo na may kabagalan.

Gayunpaman, umani ng parin ng papuri ang padyak driver dahil kahit nanghihina na dala na rin ng kanyang edad, matiyaga pa rin itong nagtatrabaho.

Nasa bahay lang din ang kanyang misis na mayroong karamdaman.

Nang malaman ngSyrian vlogger ang sitwasyon ng padyak driver, naisipan niya itong surpresahin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Upang di na raw mapagod mamasada ang lolo, naisipan ng vlogger na bigyan ng sari-sari store ang mag-asawa.

Walang pagsidlan ng kaligayahan angbmag-asawa sa di inaasahang biyaya na ito mula sa vlogger.

Kahit nasa bahay lamang sila ay maari na silang kumita.

Di na rin mahihirapang mag-padyak ang lolo para lamang may kitain at may makain sila sa araw-araw.

Samantala, bumilib din ang netizens sa vlogger dahil sa walang sawa nitong pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel