"The Brave 5": Medical team na susundo sa 45 na Pinoy sa Hubei, naka-handa na

"The Brave 5": Medical team na susundo sa 45 na Pinoy sa Hubei, naka-handa na

- "The Brave 5": Medical team na susundo sa 45 na Pinoy sa Hubei, umani agad ng papuri

- Lilipad ngayong Pebrero 8 ng gabipatungong ng Hubei sa Wuhan, China ang limang Pinoy na bumubuonsa medical tema na susundo sa mga kapwa nila Pinoy upang makauwi sa bansa

- Masasabing labis na mapanganib ang gagawin nilang misyon gayung ang Hubei ang episentro ng kinatatakutang 2019 novel coronavirus

- 45 na mga Pinoy ang pauuwiin ng bansa at planado na ang lahat maging ang pwesto nila sa sasakynag eroplano pabalik sa Pilipinas

- Diretso sa New Clark city ang medical team at 45 na Pinoy upang i-quarantine bago tuluyang pauuwiin sa kanilang mga pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"The brave 5" kung tawagin ni Health undersecretary Gerardo Cabuyao ang medical team na tutuling maglikas sa 45 na Pinoy mula Hubei sa Wuhan, China.

Sa ulat ng ABS-CBN, binubuo ang "The Brave 5" ng dalawang nurse na sina Jay Juan at Rowell Divinagracia, isang medical technician na si Elmer Collong at doktor na si Oliver Macalinao.

Aminado silang nakararamdam din sila ng kaba sa gagawin ngunit nangingibabaw pa tin sa kanila ang pagnanais na maisalba ang mga kababayang naipit sa lockdown sa naturang lugar dahil sa outbreak ng 2019 novel corona virus.

"Mas nananalaytay yung pagiging Filipino ko, that I have to help. Kaya ba nating iwanan 'yong mga kababayan natin gustong umuwi. Papabayaan ba natin sila? For me hindi ko kaya 'yon," ayon kay Divinagracia.

"The fact that these people want to go home and they’re our countrymen, talagang hindi puwedeng iwanan 'yon," dagdag naman ni Collong.

Planado na ang gagawin nilang misyon hanggang sa pagbalik nila ng bansa.

Nalaman ng KAMI na sa unahang bahagi ng eroplano uupo ang medical team.

Sa gitnang bahagi naman nakapwesto ang mga inilikas na Pinoy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakareserba ang huling limang hilera ng eroplano sakalung may kakaibang maramdaman ang mga sakay nito.

Diretso sila sa New clark city kung saan pansamantala silang ilalagak at upang i-quarantine.

Sisiguraduhinh wala silang anumang karamdaman bago sila tuluyang pauuwiin sa kani-kanilang mga pamilya.

Labis na mapanganib ang gagawin na ito ng medical team gayung sa Hubei ang episentro ng kinatatakutang sakit.

Samantala, nananatili pa rin tatlo ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa na pawang mga dayuhang Chinese na mula mismo sa Wuhan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel