Marcelito Pomoy, nilinaw ang tungkol sa piniling kanta ni Simon Cowell para sa kanya

Marcelito Pomoy, nilinaw ang tungkol sa piniling kanta ni Simon Cowell para sa kanya

- Sa isang YouTube video, ibinahagi ni Marcelito Pomoy ang kanyang reaksiyon hinggil sa naging reaksiyon ng netizens

- Ito ay matapos niyang ibahagi na hindi siya ang pumili ng kakantahin niya para sa grand finals ng America's Got Talent: The Champions

- Marami ang nadismaya hinggil sa pagpili ni Simon Cowell ng kantang aawitin ni Marcelito

- Depensa ni Marcelito, lahat daw silang finalists ay tinutulungan ng show para sa kanilang magiging grand finals performance

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang YouTube video ang ibinahagi ni Marcelito Pomoy matapos umani ng reaksiyon ang naunang video na kanyang ibinahagi kung saan ikinuwento niya ang tungkol sa napiling kanta para sa kanyang grand finals performance.

Kuwento niya, kaya niya binura ang nauna niyang video ay dahil sa mga naging reaksiyon ng netizens at mga YouTubers.

Umani ng pagkadismaya mula sa mga tagahanga ni Marcelito ang pagpili ni Simon Cowell ng kanta para sa kanya. Naibahagi din ng Pinoy singer na hindi siya nabigyan ng pagkakataon upang magdesisyon ng kanyang kakantahin.

Sa kanyang ibinahaging update, hindi daw dapat sumama ang loob ng kanyang tagahanga sa AGT at kay Simon Cowell dahil lahat daw silang mga grand finalists ay tinulungan sa kanilang final act.

Narito ang ilan sa mga mensahe ng mga tagahanga ni Marcelito:

Also, try to think that all contestants are already being auditioned for a contract. They are looking for artists. So, win or lose, there’s an opportunity.
I think what simon wants is, you make your own version of that song with some twist for grand Finals thats my opinion . Knowing you already know the song. You are already a winner!
I agree with you; Simon Cowell knows what’s best for you and for the show. I know you’ll rise to the occasion and that you’ll do your best. Come what may, you’re already an international star. Also, I admire your humility and your down-to-earth character. More power to you!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang umani ng paghanga mula sa viewers ang una at pangalawang performance ni Marcelito. Umani din ito ng standing ovation mula sa audience at judges.

Si Marcelito "Mars" Castro Pomoy ay nakilala sa kanyang husay sa pagkanta gamit ang tenor at soprano voice. Siya ang tinanghal na grand winner ng Pilipinas Got Talent season 2. Dahil sa kanyang pagkapanalo sa PGT, natupad ang pangarap niyang mabuo ang kanyang pamilya.

POPULAR: Read more about entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel