86-anyos na retiradong doktor, nanggagamot muli para makatulong sa mga tinamaan ng 2019 nCoV

86-anyos na retiradong doktor, nanggagamot muli para makatulong sa mga tinamaan ng 2019 nCoV

- Bumalik ang 86-anyos na retiradong doktor sa Wuhan hospital upang makatulong sa panggagamot ng mga tinamaan ng 2019 novel coronavirus

- Nang malaman daw nito ang paglaganap ng kinatatakutang sakit, di ito nagdalawang isip na bumalik sa serbisyo

- Kahit pa ito'y naka-wheelchair na, di ito alintana sa kanya at patuloy pa rin siya sa pagbibigay serbisyo sa mga nangangailangan

- Dahil dito, umani siya ng papuri at pagkilala sa masasabing buwis buhay niyang panggagamot sa kanyang mga kababayang tinamaan ng nakamamatay na karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Balik serbisyo ang 86-anyos na doktor sa Wuhan nang malaman nito ang outbreak ng 2019 novel coronavirus sa kanilang lugar.

Ayon sa The Summit Express, ilang taon nang retirado si Dr. Dong o Professor Dong ngunit nang pumutok ang balitang laganap na sa Wuhan ang nakamamatay na virus, di ito nagdalawang isip na ibahagi muli ang kanyang serbisyo sa larangan ng medisina.

Isang pediatrician si Dr. Dong at ilang dekada rin itong manggagamot ng Wuhan Children's hospital.

Mula Enero 23, mahigit 30 pasyente na ang kanyang natingnan at ang ilan ay pa nga ay agad na napabuti nito ang kalagayan.

86-anyos na retiradong doktor, nanggagamot muli para makatulong sa mga tinamaan ng 2019 nCoV

source: Oriental Daily
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagaman at naka-wheelchair na si Dr. Dong dahil hirap na ito sa pagtayo at paglakad, di niya ito ininda at patuloy pa rin niyang pinanindigan ang kanyang propesyon.

Hinangaan ng husto si Dr. Dong. Kahit napaka-delikado na ng gawaing ito para sa kanyang kalusugan dala ng kanyang edad, patuloy pa rin siya sa panggagamot.

Dahil dito, umani ng papuri at pagkilala si Prof. Dong.

Tunay na kahanga-hanga kasi ang dedikasyon niya sa sinumpaang propesyon at nagawa niya iisantabi ang pansariling kahinaan upang maging kalakasan ng iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel