Malupit na curfew warning sa 1 barangay, hango sa pelikulang "The Purge"

Malupit na curfew warning sa 1 barangay, hango sa pelikulang "The Purge"

- Trending sa social media ang isang barangay sa Maynila matapos i-post ng isang netizen kung paano magbigay ng warning dito para sa oras ng curfew

- Ang kanila kasing gimik, hango sa Hollywood movie na "The Purge"

- Ayon pa nga sa ibang netizens, talagang mapapauwi ka kapag narinig mo ito

- Ngunit mayroon din namang hindi natuwa sa kakaibang gimik ng barangay na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang kakaibang paraan ng isang barangay sa Maynila sa pagbibigay ng warning para sa curfew sa kanilang mga mamamayan.

Ibinahagi ito ng netizen na si Schatz Rica Del Mundo sa pamamagitan ng isang Facebook video na ngayon ay trending na.

Maririnig sa video ang babala na hango sa Hollywood movie na "The Purge" na ginamitan pa ng barangay ng malakas na speaker.

"Ang lupit naman ng barangay namin dito, pang the purge yung pang announce sa curfew. Sinong di uuwi nyan chairman? HAHAHAHAHA," ayon sa caption ng trending na post ni Del Mundo.

Ayon pa nga sa ilang netizens, talagang mapapauwi ang sinuman kapag narinig ito.

Sa pelikulang The Purge, signal ito na "libre" na ang lahat na gumawa ng krimen.

Ilang sequel na rin nito ang ipinalabas, patunay lang na bumenta ito sa mga manonood.

Ngunit kung mayroong mga nakisakay sa "trip" na ito ng barangay, mayroon din namang hindi natuwa rito.

"Di ako natuwa Denzel natakot ako. Pag may nag seryoso jan. Makikita nila hinahanap nila. Mga tao talaga."

"Pag ganito siguro 5 di nako lalabas ng bahay hahahha."

"Langya uwi ka tlga neto."

"Pag dayo ako sa inyo at narinig ko yan bahala na maiwan kng anong pwedeng maiwan basta makalayo ako sa lugar nyo."

"Pang international ang datingan. Lmao."

"Mapapauwi ka nga naman talaga hahahahahAHAHAHAHAHAA."

"Hoy walangya pano kung may nag seryoso at ginawa ahahhaha."

Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit tatlong milyon ang views nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel