Madam Kilay at boyfriend, nagkaayos na

Madam Kilay at boyfriend, nagkaayos na

- Ibinahagi ni Madam Kilay sa kanyang Facebook page na nagkaayos na sila ng kanyang boyfriend na si Michael

- Ito ay matapos ang kanilang naging tampuhan na talaga namang pinag-usapan sa social media

- Matapos ang masasakit na salitang binitawan, nanaig ang pag-ibig nila para sa isa't-isa

- Si Madam Kilay o Jinky Anderson sa totoong buhay ay isang internet personality na unang sumikat sa Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Madam Kilay na nagkaayos na sila ng kanyang boyfriend na si Michael sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Maatandaang naging usap-usapan ang tampuhan ng magkasintahan nang ibahagi ni Michael ang screenshot ng pag-uusap nila ni Madam Kilay. Nagalit ito dahil sa isang video clip na ibinahagi ng social media influencer kung saan nakalabas ang maselang bahagi ng kanyang katawan na naka-blur.

Ayon sa kanyang ibinahaging pag-uusap nila, sinabi ni Michael na huwag iyon ibahagi sa internet.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May nasabi pa itong ginawa lang daw ito ni Madam Kilay para kumita ng pera. Depensa naman ni Madam Kilay, hindi iyon totoo dahil hindi mai-monetize ang nasabing video dahil maiksi lang naman ito.

Naging hati naman ang opinyon ng netizens na sumusuporta sa tambalan nila na kilala sa bansag na Team MicKi.

Gayunpaman, sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Madam Kilay ang picture nilang dalawa kung saan hinahalikan siya nito sa pisngi. May pa-bulaklak din ito, bigas at stuffed toy.

Ani Madam Kilay sa caption, "SABI KO NA BARBIEE! Di bale ng MARUPOK BASTA MAY BIGAS. Sige na nga bati na Tayo madali naman ako kausap eh!! Walang Kokontra NFA RICE TO!!"

Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa Eat Bulaga at iba pang TV shows.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel