Babae sa Maynila, nasawi matapos magpaturok ng glutathione

Babae sa Maynila, nasawi matapos magpaturok ng glutathione

- Nasawi ang isang 33-anyos na babae sa Maynila matapos magpaturok ng glutathione sa isang spa sa nasabing lungsod

- Batay sa mga reports, hinimatay diumano ang biktima ilang sandali matapos itong magpa-inject

- Bagamat, ilang glutathione spa na ang nagsulputan sa bansa, hindi pa rin ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) bilang pampaputi

- Ayon naman kay Health Undersecretary Eric Domingo, posibleng papanagutin ang spa dahil sa nangyari sa babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasawi ang isang 33-anyos na babae sa Maynila matapos magpaturok ng glutathione sa isang spa sa Sampaloc.

Kinilala ang biktima na si Shyril Gee Distor, isang restaurant manager.

Ayon sa ulat ng Yahoo News, Lunes nang magpunta ito sa Glutaholics Spa upang magpa-inject ng glutathione bandang 3:00 ng hapon.

Matapos diumano nitong maturukan ng supplement ay bigla na lamang itong nawalan ng malay at agad na isinugod sa University of Santo Tomas (UST) Hospital.

Napag-alaman ng KAMI na ang nurse at kapatid ng may-ari ng nasabing spa na si Jillian Dizon ang siyang nag-inject sa biktima.

“After she was administered the supplement, minutes later she collapsed and she was brought to UST Hospital. Later that day, at around 11pm, the victim died," ayon kay Police Captain Henry Navarro ng Manila Police District.

Batay sa report, hanggang sa kasalukuyan ay hinihintay pa rin ang resulta ng autopsy sa katawan ng biktima.

Bagamat, ilang glutathione spa na ang nagsulputan sa bansa, hindi pa rin ito aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) bilang pampaputi.

Ayon sa FDA, mayroong “toxic effects” ang glutathione sa kidneys, liver, at nervous system ng isang tao.

Sabi naman ni Health Undersecretary Eric Domingo, posibleng papanagutin ang spa dahil sa nangyari sa babae matapos makarating dito ang balita.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel