28-anyos na doktor na 1 sa mga naka-assign sa coronavirus outbreak, pumanaw

28-anyos na doktor na 1 sa mga naka-assign sa coronavirus outbreak, pumanaw

- Isa sa mga doktor na naka-assign sa coronavirus outbreak ang pumanaw matapos mag-trabaho ng walang pahinga ng 10 araw

- Ayon sa ulat, lumalabas na namatay ito dahil sa "sudden cardiac arrest" dala ng labis na pagod

- Nakita na lamang ito ng mga kasamahan sa tinutuluyan nito na wala nang buhay

- Pumanaw na rin ang doktor na si Dr. Li Wenliang na siyang unang nagbigay ng babala tungkol sa coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang doktor na naka-assign sa coronavirus outbreak ang pumanaw matapos ang pag-ta-trabaho ng walang pahinga sa loob ng 10 araw kontra sa virus.

Kinilala itong si Song Yingjie, 28 taong gulang.

Sa loob ng 10 araw at siyam na gabi ay nag-trabaho ito ng husto hanggang sa kaya nito.

Hatinggabi ng Pebrero 3, bumalik ito sa kanyang tinutuluyang dormitoryo matapos ang shift nito, ayon sa ulat ng Shanghaiist at The Paper.

Dito na rin nakita ng kanyang mga kasamahan ang doktor na wala nang buhay.

Pinaniniwalaang pumanaw ito dahil sa "sudden cardiac arrest" dala ng labis na pagod.

Si Song Yingjie ang deputy team leader ng isang grupo ng mga parmasya sa isang health center sa Hengshan county, Hunan province.

Matapos pumutok ang balita nang pagkalat ng novel coronavirus sa China, na-assign ito sa isang local expressway inspection team noong Enero 23.

Si Song Yingjie rin ang in-charge sa pagbibigay ng medical supplies sa mga kasamahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, pumanaw din ang doktor na si Li Wenliang dahil sa coronavirus.

Si Dr. Li ang doktor na unang nagbigay ng babala matapos nitong madiskubre ang pitong pasyente na na-diagnose na mayroong mga sintomas tulad ng SARS noong Disyembre.

Inakusahan pa ito noong una na nagpapakalat ng mga "false comments" tungkol virus na nag-ugat sa isang wildlife market sa Wuhan.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 28,000 ang infected ng 2019-nCoV at 565 na ang naitalang namatay dahil dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel