To the highest "sea" level! Tala dance challenge sa ilalim ng dagat, kinagiliwan ng mga netizens

To the highest "sea" level! Tala dance challenge sa ilalim ng dagat, kinagiliwan ng mga netizens

- Nag-viral ang kakaibang "Tala" dance challenge na ginawa ng mga UP Marine Science Institute researchers at graduate students

- Suot ang kanilang diving suit, sa ilalim nila isinagawa ang sikat na dance challenge ngayon

- Tuwang-tuwa ang mga netizens dahil sa dami ng dance challenge na kanilang nakita, ito raw ang pinaka-agaw eksena

- Nasa Puerto Galera ang mga researchers na ito upang mangalap ng potensyal na mapagkukunan ng gamot sa kanser mula sa mga yamang dagat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bongga ang 'Under the Sea' Tala dance challenge ng mga UP Marine Science Institute researchers at graduate students na kinagiliwan ng mga netizens.

Sa dami raw kasi ng Tala Dance challenge na kanilang nagawa at napanood, ito ang kakaiba at talaga namang agaw eksena.

Suot ang kanilang diving suit, nagpakitang gilas ng dace moves ang mga researchers na kahit nasa ilalim ng dagat ay kapansin-pansin pa rin ang paghataw.

Nakatutuwang pagmasdan na kahit nasa tubig, nakuha pa rin nilang magsabay-sabay sa "Tala" dance moves na pinasikat at kinanta ng nag-iisang si Sarah Geronimo.

Aliw na aliw ang mga nakapanood at sinabing wala na raw tatalo sa ginawa na ito ng mga UP Marine researchers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Pag wlang sound katawa tawa sila panoorin"
"Bongga ito! di ko keri ang under the sea..."
"Hahahahaha, o may tatalo pa ba dito? sabay sabay kahit pag-ikot."
"Aliw panoorin, hahahahaha nakakatuwa!"
"Sa susunod isama nila si Sarah G para masaya... ang galing"

Samantala, nasa Puerto Galera ang mga researchers na ito upang mangalap ng pwedeng maging gamot sa kanser mula sa mga yamang dagat natin doon.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel