Batang kamote at isda ang laging baon sa eskwela, inulan ng tulong

Batang kamote at isda ang laging baon sa eskwela, inulan ng tulong

- Nag-viral ang larawan ng batang laging kamote at isda ang baon sa pagpasok niya sa paaralan

- Marami ang nadurog ang puso at nagpaabot ng tulong sa bata para magkaroon naman daw ito ng pambaon sa sa paaralan

- Maging ang kanyang pamilya ay naambunan din ng tulong dahil karamihan sa binigay sa kanila ay iba pang kailangan nila sa bahay

- Habang ang ilan ay nagsasabing magpasalamat pa ang bata sa dahil may baon pa ito kahit pa kamote at isda ito, marami ang nagsasabing bilang bata, sana ay makaranas naman itong makakain ng iba pang masusustansiyang pagkain na angkop para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin sa social media ang larawan ng batang si Cristine Nonan matapos na makunan itong kamote at isda ang pambaon sa paaralan.

Ayon sa Grasya TV na siyang nagbahagi ng larawan ng bata, mula raw ito sa Zamboanga del Sur at sa kabila ng hirap ng buhay, nagsusumikap itong pumasok sa paaralan.

Guro ni Cristine ang kumuha ng larawan dahil nakita niya sa bata ang simbolo ng pag-asa sa mga batang bagaman at salat sa karangyaan, walang nakahahadlang sa kanila upang abutin ang kanilang pangarap.

Habang ang ilan ay nagsasabing magpasalamat na lamang ang batang ito at may nakakain pa sila, marami naman ang nagsasabing sana naman ay makatikim din ito ng ibang masasarap na pagkain upang lalo itong ganahan na pumasok sa paaralan.

Dahil sa nag-viral ang post, marami na ang nagpaabot ng tulong kay Cristine at maging sa pamilya nila.

May mga nagpaabot ng tulong tulad ng bigas, biskwit, de lata at maging tulong pinansyal.

Hangad din ng mga netizens na makatapos ng pag-aaral si Cristine dahil ang mga ganitong klase ng bata ang tiyak na aasenso sa buhay dala ng kanyang kasipagan.

Sa ngayon marami pa rin ang nais na magparating ng tulong sa pamilya ni Cristine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang iba pang mga komento ng mga netizens:

"Aral k lng mabuti Kaya mo yn.. hanga ako sayo baby girl"
"Kaya napaka-swerte ng ibang bata. sana naiisip nila iyon."
"Sana makita ito ng ibang kabataan, at maisip nilang di lahat ng mga bata ay dinaranas ang nararanasan nila"
"Kaya mo yan baby girl alam Kong mahirap pero pray ko lang para sayo na sana maka tapos ka ng pag.aaral para pagdating ng panahon maka tulong ka din sa mga magulang mo at maiahon mo sila sa kahirapan mag.aral ka ng mabuti hah.. At sana good health ka palagi.... Godbless you babygirl"
"God bless po sa tumotulong... I know god is watching us siya napo ang susukli sa inung mgs kabutihan..."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel