Magkasintahang nagsimula sa ‘wave’ sa chat, kinakiligan ng netizens ang kakaibang love story

Magkasintahang nagsimula sa ‘wave’ sa chat, kinakiligan ng netizens ang kakaibang love story

- Trending ngayon sa social media ang love story ng magkasintahan na sa “wave” emoji nagsimula

- Long distance relationship (LDR) din sila dahil ang lalaki ay nasa Italya at ang babae naman ay nakatira sa Pinas

- Dalawang taon matapos magkakilala ay nagpakasal na ang dalawa kahit na sila ay isang LDR couple

- Samantala, ang mga netizens naman ay kilig na kilig sa kakaibang love story ng dalwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang kakaibang love story ng magkasintahan na nauwi sa kasalan.

Nalaman ng KAMI na nagsimula ang kwentong pag-ibig ni Kate at Gian Axalan sa “wave” emoji sa isang messaging app.

Ayon sa Facebook post ni Kate Garcia-Axalan, nagsimula silang mag-usap ni Gian noong December 6, 2017.

“Trust me! May hiwaga sa loob ng emoji na WAVE,” sabi ni Kate.

Hindi pa sila nagkikita at nagkakasama ng personal pero dahil sa pagmamahalan nilang dalawa ay nauwi ito sa long distance relationship dahil si Kate ay nasa Pinas at si Gian ay nasa Italya.

Kwento ng One Blog Insider, umuwi ng Pinas si Gian noong May 2018. Isang buwan lang makalipas ay nag-propose na siya kay Kate.

Muling bumalik si Gian sa Italya at noong November 7, 2019 na siya umuwi ulit ng Pinas para planuhin ang kasal nila. December 6, 2019 nang ikasal si Kate at Gian.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kilig na kilig naman ang mga netizens sa love story nila. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Mapapa sana all nalang ako”
“This is so much love.”
“ung tandang tanda nia pa ung reply nia kaya na-search na sa messages fan of this lovely couple”
“This is the best”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel