Lalaking nanlibre sa matandang nanginginig na sa gutom, hinangaan ng netizens

Lalaking nanlibre sa matandang nanginginig na sa gutom, hinangaan ng netizens

- Hinangaan ang isang lalaki na nagawang ilibre ang matandang di naman niya kilala

- Napansin daw kasi ng lalaki na nanginginig na sa gutom ang kaawa-awang lolo

- Dinala niya ito sa karinderya upang pakainin at sinamahan niya rin ito

- Mas lalo raw nadurog ang puso ng lalaki nang mapansing halos di na makasubo ng pagkain ang matanda dahil sa panghihina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawang binahagi ng netizen na si Carl Christopher Martinkung saan pinakita niya ang nasaksihan na pagtulong ng isang lalaki sa matandang nanginginig na sa gutom.

Nalaman ng KAMI na humanga si Carl sa ginawa ng binata dahil kahit di niya kilala ang matanda, buong puso niya itong tinulungan.

Ayon pa kay Carl, di lang sinamahan ng lalaki ang matanda, inalalayan niya pa ito at sinamahang kumain.

Sa tindi raw kasi ng gutom ng lolo, hinang-hina na ito at halos di namakasubo ng maayos sa panghihina.

Nalaman pa nila na mag-isa pang magbibiyahe ang matanda mula Marikina hanggang Antipolo.

Dahil dito, umani ng papuri ang lalaki dahil sa kabutihan ng puso nito na handang tumulong sa mga nangangailangan.

Naglaan pa kasi talaga ito ng kanyang ooras para tulungan ang matanda gayung pwede namang bigyan na lang sana niya ito ng pera pangkain.

Tunay na kahanga-hanga ang ginawa na ito ng lalaki na nararapat lang na pamarisan at sana'y makilala rin dahil sa paggawa nito ng kabutihan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"I salute ser sana.lahat ng tao my mabuting puso godbless Kuyang mabait at ingat lolo dka papabayaan ni Lord"
"Salamat sa nanglibre sa nagugutom....god bless u more....un iba kc nakatutok k kobe at kakatala.....sa yo kakaiba keep it up."
"Ok lng mag pkain tayo sa taong nagugutom d nman ipaghhirap bagkus nkatulong c lord n lng bahala s blessing"
"Sana nakita ang mukha ni kuya para makilala. Napakabuti niya at di siya nagdamot sa kung ano ang kaya niyang maitulong"

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel