Chinese na nanghamak ng Pinoy delivery man, makukulong muna bago ipa-deport

Chinese na nanghamak ng Pinoy delivery man, makukulong muna bago ipa-deport

- Minsan nang nag-viral ang video ng isang Pilipino na pinagtatanggol ang delivery man na hinamak ng isang Chinese

- Nanghingi umano ang delivery man ng ID ngunit walang maibigay ang babaeng Chinese

- Dahil sa nananakit na umano ang dayuhan, namagitan na ang isang Pinay at pinagtanggol ang delivery man na ginagawa lamang ang kanyang trabaho

- Nagbigay ng update ang Pinoy na nagtanggol sa delivery man at sinabing may mga natuklasan pa patungkol sa Chinese at mapaparusahan ito bago ipa-deport sa kanilang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa mahigit 4 million views ang video kung saan matapang na pinagtanggol ng isang Pinoy ang delivery man na hinamak-hamak ng isang babaeng Chinese.

Ayon sa Twitter video ng netizen na si Trix, nanghihingi umano ang delivery man sa Chinese ng ID upang makumpirma lamang kung ito nga ang tamang tao na kanyang dadalhan ng delivery.

Wala raw maipakita ang babae na nagsimula nang manigaw at ang masaklap ay nagawa pang saktan ang delivery man.

Di nakapagtimpi ang Pinoy na si @Eamoto2 o Ea de jesu sa Twitter at pinagtanggol ang kanyang kababayan.

Maririnig na nasambit niya ang “this isn't your country we have laws” bilang pagtatanggol sa delivery man na ginagawa lamang ang kanyang trabaho ng tama.

Nakarating sa kinauukulan ang ginawa na ito ng Chinese. Dahil sa nangyari, napag-alaman na expired na pala ang passport nito at wala rin itong visa.

Nang dalhin pa ito sa Bureau of Immigration, napag-alaman na wala ring permit ang sinasagawa nitong negosyo sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng update ang Pinoy na nagtanggol sa delivery man.

Una niyang na-post ang "Hi guys, panalo tayo sa laban."

Iyon pala ay dahil sa ipade-deport na ang dayuhan pabalik sa China ngunit makukulong daw muna ito ng isang taon at sampung araw bilang parusa iligal na operasyon nito ng kanyang business sa bansa.

Umani ng papuri ang Pinoy sa pagtatanggol nito sa kapwa lalo pa at alam niyang nasa tama naman ito at sumusunod lamang din ito sa patakaran.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel