Pope Francis at debotong di niya sinasadyang natampal ang kamay, nagkitang muli

Pope Francis at debotong di niya sinasadyang natampal ang kamay, nagkitang muli

- Nagkita at nagkamay muli sina Pope Francis at ang babaeng deboto na di niya sinasadyang matampal ang kamay

- Nasapul sa video ang pangyayari na ito na naging kontrobersyal dahil sa reaksyon ng Santo Papa

- Agad namang naglabas noon ng pahayag si Pope Francis tungkol sa insidente at humingi rin siya ng patawad sa deboto na tila ikinagulat din ang pangyayari

- Nagkita ang dalawa sa tinatawag na "baciamano," kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga pilgrims na makalapit at makamayan ang Santo Papa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena muli sa social media ang pagkikita ni Pope Francis at ng babaeng deboto sa viral video kung saan di niya ito sinasadyang matampal ang kamay.

Matatandaang naunang naiulat ng KAMI ang kontrobersyal na reaksyon ng Santo Papa na nasapul sa video.

Naganap ito noong New Year's Eve sa Saint Peter's Square kung saan maswete ang ilang mga deboto na makamayan at mabasbasab noong ni Pope Francis.

Marahil dala ng galak na makita ng malapitan ang Santo Papa, di sinasadyang nahila ng babae ang braso nito.

Tila nasaktan si Pope Francis at di sinasadyang matapig ang kamay ng babae.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad naman siyang naglabas ng pahayag ukol sa insidente kung saan inamin niyang minsan ay nawawalan din siya ng kontrol sa ilang pangyayari.

Enero 8 ng kasalukuyang taon nang magkita muli ang dalawa. Makikita sa larawan na maayos na silang nagkamay at bumati sa isa't isa.

Naganap ang tagpong ito sa tinatawag na "baciamano," oang pagkakataong makalapit at makabati sa Santo Papa.

Mabilis na nag-viral ang larawan ng dalawa na umani agad ng nasa 7,000 na positibong reaksyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel