Chinese na nandura sa pulis na nakahuli sa kanya, haharap sa patong-patong na kaso

Chinese na nandura sa pulis na nakahuli sa kanya, haharap sa patong-patong na kaso

- Nahuli ang isang lalaking Chinese sa Binondo, Manila na mabilis magmaneho at lumabag pa sa number coding scheme

- Sa pagmamadaling makatakas, nakasagasa pa umano ito ng mga sasakyan

- Nang mahuli, nagawa pa nitong duraan ang awtoridad na nakahuli sa kanya

- Bukod dito, nahulihan pa ang Chinese at ang kasama nito ng ilang pakete ng hinihinalang ipinagbabawal na gamot sa loob ng kanilang sasakyan

- Dahil dito, mahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa video ang pagdudura ng isang Chinese national sa pulis na nakahuli sa kanya sa paglabag sa batas trapiko.

Ayon sa ABS-CBN News, sisitahin lamang sana ang Chinese ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa paglabag nito sa number coding scheme nang bigla itong humarurot ng patakbo.

Dahil sa mabilis na pagmamaneho, nakasagasa pa umano ito ng iba pang mga sasakyan kasama na rin ang sasakyan ng MTPB na siyang sumisita sa kanya.

Nang masakote na ng pulisya, matapang pa itong nandura ng isang pulis kahit pa nakaposas na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito, nalaman ng KAMI na kinakitaan pa ng ilang pakete ng hinihinalang ipinagbabawal na gamot sa loob ng sasakyan nito.

Hindi marunong mag-Ingles ang Chinese national kaya naman hindi sila magkaunawaan ng awtoridad.

Maging ang babaeng kasama nito ay hindi rin nila makausap.

Dahil sa mga nagawa ng banyaga, nahaharap ngayon ito sa mga kasong at ilan pang reklamo.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel