Aparatong ginagamit upang ma-monitor ang Mayon Volcano, nanakaw

Aparatong ginagamit upang ma-monitor ang Mayon Volcano, nanakaw

- Dalawang solar panels na ginagamit sa sa pag-monitor ng aktibidad ng Mayon ang nanakaw

- Kinumpirma ito ng Phivolcs opisyal na pahayag nila sa kanilang Facebook page

- Dahil sa pagkawala nito, walang data ang maaring makuha sa Mayon na kinakitaan pa naman ng "crater glow" gabi bago maibalitang nanakaw ang mga aparato

- Nakalagak ito sa Mayon Resthouse Station at doon nagaganap ang transmission ng data mula sa Mayon

- Kasalukuyang nakataas pa rin ang alert level 2 ng bulkan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) kaugnay sa pagkawala ng dawalang solar panel na kanilang ginagamit sa pagmo-monitor ng kaganapan sa bulkang Mayon.

Ayon sa ulat ng CNN, makakaapekto ito sa pagmo-monitor ng Mayon dahil walang data ang maita-transmit mula sa Mayon Resthouse Station kung saan ito dating nakalagak.

"The public is strongly encouraged to help in taking care of our monitoring instruments and to promptly report any untoward incidents," ayon sa press release ng Phivolcs.

Mananagot ang sinumang kumuha nito sa ilalim ng Republic Act 10344 kung saan mapaparusahan ang sinuman kumuha ng government risk reduction and preparedness equipment.

Isang araw bago mawala ang mga kagamitan, naibalita ng KAMI ang malapitang kuha ng Phivolcs ng tinatawag na "crater clow" ng Mayon.

Ngunit, nilinaw nilang mananatili pa rin sa alert level 2 ang bulkang ito dahil sa matatawag na nasa "moderate levels of unrest" pa rin ito.

Sa kasamaang palad, walang magiging update pansamantala sa kaganapan sa Mayon dahil sa kawalan ng mga aparato.

Hinikayat din ng Phivolcs na makipagtulungan sana ang publiko sa paghahanap ng aparato na kinuha sa di malamang dahilan.

Matatandaang Enero 2018 nang huling sumabog ang bulkang Mayon at tumagal ito hanggang Marso ng parehong taon.

Pebrero ng nakaraang taon pa mino-monitor ang Mayon dahil sa mga kakaiba nitong aktibidad magpasa-hanggang ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel