Cloth mask, walang silbi kontra 2019 novel coronavirus sabi ng doktor

Cloth mask, walang silbi kontra 2019 novel coronavirus sabi ng doktor

- Ipinaliwanag ng doktor mula sa National Institutes of Health (NIH) ang klase ng mask na dapat ginagamit ngayong may 2019 novel coronavirus na sa Pinas

- Giit ng doktor, wala raw silbi ang cloth mask at dapat ay surgical mask ang ginagamit ng mga tao bilang proteksyon

- Subalit, hindi rin naman daw kailangan mag-imbak ng N95 mask upang may magamit pa ang mga doktor

- Tinatayang nasa 560 na ang pumanaw dahil sa nakamamatay na 2019 novel coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming mga Pinoy ngayon ang gumagamit ng face mask upang makaiwas sa nakamamatay na 2019 novel coronavirus.

Nalaman ng KAMI na hindi lahat ng uri ng mask ay makakatulong pangontra sa novel coronavirus.

Ayon sa ulat ng Inquirer (awtor Consuelo Marquez), ipinaliwanag ni Dr. Edsel Salvana ng National Institutes of Health (NIH) na hindi gagana ang face mask na gawa sa tela (cloth mask) dahil walang filter ito.

Dapat daw ay surgical mask talaga ang ginagamit bilang proteksyon sa 2019 nCoV.

“Ang cloth mask hindi gumagana dahil walang filter. Akala niyo protektado kayo, hindi pala,” paliwanag niya.

Nanawagan din si Dr. Salvana sa mga may sakit na may sintomas ng trangkaso na magsuot ng mask upang hindi kumalat ang germs at mga virus.

“Kahit walang nCoV parang awa niyo na kung may sakit kayo mag-surgical mask kayo,” sabi ni Dr. Salvana.

Dagdag niya pa, hindi raw dapat mag-imbak ang mga Pinoy ng N95 mask kung wala silang sakit upang may magamit ang mga doktor at iba pang nagtatrabaho sa ospital na humaharap sa mga pasyenteng may sakit.

“Ang N95 masks ang gumagamit lang po niyan ay doctor dahil kailangang ma-fit nang maayos… Subukan niyo huminga sa N95 masks. Ako hindi ako lumalampas ng sampung minuto pumapasok ako para tumingin ng pasyente na may tuberculosis, yun po ang ginagamitan ng N95,” paliwanag niya.

“Kapag binili niyo lahat ng n95 sa merkado, wala na magagamit ang doktor para tumingin ng pasyente,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna nang naibalita ng KAMI na kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) ang ikatlong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.

Ang novel coronavirus na ito ay naunang nagsimula sa Wuhan, China, at nasa lagpas 500 na ang pumanaw dahil dito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel