Bantay Mayon: Phivolcs, wala pang nakikitang pag-akyat ng magma

Bantay Mayon: Phivolcs, wala pang nakikitang pag-akyat ng magma

- Wala pa raw nakikita ang Phivolcs na pag-akyat ng magma sa bunganga ng Mayon

- Nanatili pa rin sa Alert Level 2 ang status nito hanggang sa ngayon

- Mahirap din daw matukoy ang magma movement nito dahil open vent o bukas ang singawan ngayon ng bulkan

- Nagbabala naman ang ahensiya sa lokal na pamahalaan na tiyaking walang nakatira sa 6 kilometer radius permanent danger zone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala pa raw nakikita ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na pag-akyat ng magma sa bunganga ng Bulkang Mayon.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News (Reporter, Dexter Ganibe), nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Mayon.

Nagbigay naman ng update si Mariton Bornas, hepe ng volcano monitoring and eruption prediction ng Phivolcs sa isang panayam dito sa DZMM Teleradyo.

Ayon kay Bornas, may posibilidad ang pagsabog ngunit maaari ring wala

Pero base sa kasaysayan ng mga pagsabog nito, kapag ang nauna ay hindi gaanong malakas, masusundan ito pagkalipas ng ilang taon lang, tulad ng nangyari noong taong 2006 na nasundan noong taong 2009.

"Kung magkakaroon po tayo ng senyales o hudyat na may umaakyat na talaga na magma, maaari po tayong magtaas ng alert, sa ngayon po wala tayong nakikitang ganyan," anito.

Mahirap din daw matukoy ang magma movement nito dahil open vent o bukas ang singawan ngayon ng bulkan.

Nagbabala naman ang ahensiya sa lokal na pamahalaan na tiyaking walang nakatira sa 6 kilometer radius permanent danger zone.

Sinabi rin sa ulat na inabisuhan na rin daw ang mga mamamayan sa 7 kilometer radius extended danger zone na maging alerto at mapagmatyag.

Dahil kung mayroon umanong umakyat na magma sa bunganga ng Mayon, itutulak nito ang nabuong lava dome mula sa naunang pagsabog noong Marso 2018.

"Ito po ay lilikha ng tinatawag nating uson o pyroclastic density currents o pyroclastic flow na magkahalong mainit na abo at bato, lava at malalaking tipak ng bato, na dumadaloy pababa ng bulkan," dagdag pa ni Bornas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang ulat ng KAMI, bukod sa Bulkang Mayon at Taal, isa pang aktibong bulkan sa bansa ang nasa Alert Level status din.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel