Kalunos-lunos! Turkey plane, nahati sa 3 matapos sumadsad sa runway

Kalunos-lunos! Turkey plane, nahati sa 3 matapos sumadsad sa runway

- Isang passenger airplane ang nahati sa tatlo matapos itong sumadsad sa runway ng isang airport

- Isa ang kumpirmadong nasawi habang mahigit 150 naman ang sugatan

- Ilang video naman ang kumalat sa social media kaugnay ng kalunos-lunos na nangyari

- Batay sa mga report, ang masamang panahon ang dahilan ng trahedya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang passenger plane sa Turkey ang nahati sa tatlo matapos itong sumadsad sa runway ng Sabiha Gokcen airport.

Ang Boeing 737 ng Pegasus Airlines ay mayroong sakay na 171 pasahero at anim na crew.

Ayon sa ulat ng BBC News, isa ang kumpirmadong nasawi na isang Turkish national habang 157 naman ang sugatan dahil sa trahedya.

Napag-alaman ng KAMI na walang biktima ang nasa kritikal na kondisyon.

Pahirapan din ang pag-rescue sa mga na-trap na biktima sa loob ng eroplano.

Ilang video naman ang kumalat sa social media kaugnay ng kalunos-lunos na nangyari.

Batay sa ulat, lumalabas na ang masamang panahon ang naging dahilan ng aksidente.

Kasalukuyan namang nakasara ang naturang airport at nailipat na rin ang ilang flights.

Ayon sa ulat ng mga local media, karamihan sa mga pasahero ay Turkish at mayroong tinatayang 20 foreigner na pasahero.

"Unfortunately, the Pegasus Airlines plane couldn't hold on the runway due to poor weather conditions and skidded for around 50-60m [164-196ft]," ayon kay Istanbul Governor Ali Yerlikaya.

Sinabi rin sa ulat na hindi pa nakakausap ang mga piloto ng eroplano na isang Turkish at isang South Korean na parehong sugatan din dahil sa nangyari.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"This is why I’m scared of planes."
"Good response I can see. Thx too higher powers that kept them safe, we are all thinking of our Turkish brothers and sisters in a difficult time."
"The weather there in Turkey seems very bad right now.Avalanches in the East with people missing and now this plane skidding off the runway and badly damaged.I pray for the people in Turkey. God bless."
"2020 strikes again I hope they are ok!"
"Jan 15 2019...Pegasus airplane skids off Turkish runway, and gets stuck on cliff!! Look it up......then this?"

Narito ang video mula sa Sky News:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel