NDRRMC, nagbabala sa publiko dahil sa nakitang "crater glow" sa Mayon

NDRRMC, nagbabala sa publiko dahil sa nakitang "crater glow" sa Mayon

- Kapansin-pansin ang tinatawag na "crater glow" sa bunganga ng bulkang Mayon

- Binahagi ng Phivolcs ang aktwal na kuha nila nito noong gabi ng Pebrero 4

- Bagaman at kitang-kita ang magma na tila namumuo na sa may butas ng bulkan, nananatili pa rin sa alert level 2 ang bulkang Mayon

- Nagbigay babala narin ang NDRRMC sa publiko partikular na sa mga lugar na nasa 6 kilometer danger zone ng bulkan

- Maging ang civil aviation authorities ay binigyang babala na rin ng NDRRMC na huwag na munang lumipad malapit sa Mayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay babala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa publiko na maging alerto matapos kakitaan ng aktibidad ang bulkang Mayon noong Pebrero 4.

Ito ay matapos na kakitaan ng "crater glow" ang Mayon kung saan tila may namumuong magma sa may bunganga nito.

Nalaman ng KAMI na sa larawang binigay ng Phivolcs, kitang-kita nga ang tila umaapoy sa mismong butas ng bulkan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“In the past two days, crater glow has been detected at the summit crater that is likely caused by hot magmatic gases heating the overlaying atmosphere,” paliwanag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad.

Ngunit sa kabila ng pinakikita na ito mula sa Mayon, nananatili pa ring nasa alert level 2 ang bulkan.

Gayunpaman, pinaalalahanan ni Jalad ang mga residente malapit sa bulkan na lumayo na muna sa 6 km-7 km danger zone nito.

Di man daw masabing sasabog ito ngunit kung ito ay mangyari at labis na delikado ito sa mga nasa paanan ng Mayon.

Nagbabala na rin sila sa civil aviation authorities na hangga't maari ay iwasan na ang bahagi na ito ng bulkan para na rin sa kanilang seguridad.

Matatandaang Enero noong 2018 huling naganap ang "magmatic eruption" ng Mayon na natapos noong Marso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel