Unang Pinoy na tinamataan ng 2019 novel coronavirus, kasalukuyang nasa Japan

Unang Pinoy na tinamataan ng 2019 novel coronavirus, kasalukuyang nasa Japan

- Isang Pinoy na seafarer ang tinamaan ng 2019 novel coronavirus habang ito ay nasa cruise ship na nakadaong ngayon sa Japan

- Siya ang pinakaunang Pilipino na nagpositibo sa kinatatakutang sakit

- Dadalhin siya kasama ng 9 pang tinamaan ng virus na ito sa local hospital sa lugar upang malapatan ng tamang atensyong medikal

- Ang 2,666 na pasahero at 1,045 na crew ay sasailalim sa quarantine upang masiguro ang kalagayan ng kanilang kalusugan

- Nalagay sa quarantine ang mga sakay ng cruise ship matapos na makumpirma na isang 80-anyos na pasahero mula Hong Kong ay may pneumonia dahilan para tamaan din ito ng nCoV

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumpirmado na isang Pilipino na seaman ang positibo sa 2019 novel coronavirus.

Nalaman ng KAMI na isa ang Pinoy na ito sa sampung nagpositibo sa nCoV na sakay ng Diamond Princess cruise ship.

Siya ang pinakaunang Pilipinong tinamaan ng virus na ito na sinasabing nagmula sa Wuhan, China.

Ayon sa Rappler, inalis na sa quarantine ang Pinoy na ito, dalawang Australian, tatlong Japanese, tatlong mula sa Hong Kong at isang American na pawang mga tinamaan ng kinatatakutang virus ngayon.

Dadalhin na sila sa lokal na ospital ng lugar upang mas mabigyan ng karampatang

Ang 2,666 na pasahero at 1,045 na crew ay nasa quarantine sa Yokohama, Japan upang masuri at maobserbahan ang kalagayan ng kanilang kalusugan. Tatagal ng 14 na araw ang pagkakalagak nila roon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagsimula umanong ilagay sa quaratine ang lahat ng sakay ng cruise ship matapos na magpositibo sa nCoV ang isang 80-anyos na mula Hong Kong.

Bagaman at nakababa na ito sa barko, siniguro pa rin ang kalagayan ng iba pang sakay at doon nga lumabas ang 10 na nagpositibo rin sa nakamamatay na respiratory disease.

Samantala, kasalukuyang inoobserbahan ang 133 na PUI o persons under investigation sa bansa kung ang mga ito ay tinamaan din ng nCoV.

Ngayong Pebrero 5, inanunsyo ng Department of Health ang ikatlong kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa bansa. Mula pa rin ito sa Wuhan, China at dumating sa bansa noong Enero 20.

Sa unang isinagawang pagsusuri sa kanya, lumabas itong negatibo. Ngunit ang resulta na mula sa Australia ang nagsabing positibo ito sa virus.

Nakapagbiyahe na pabalik ng China ang 60-anyos na Chinese noong Enero 31 kaya naman kasalukuyang hinahanap ang kinaroroonan nito upang ipagbigay alam ang kinalabasan ng resulta.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel