DOH: 60-anyos na Chinese, ikatlong kumpirmadong kaso ng nCoV sa Pilipinas

DOH: 60-anyos na Chinese, ikatlong kumpirmadong kaso ng nCoV sa Pilipinas

- Tatlo na ang kumpirmadong tinamaan ng 2019 novel coronavirus na inabot sa bansa

- Isang 60-anyos na babaeng Chinese ang mula Wuhan, China ang dumating sa Cebu noong Enero 20

- Agad itong nakapagbiyahe patungo sa isang resort sa Bohol noong Enero 22 ngunit agad na dinala sa ospital dahil sa sumama raw ang pakiramdam nito

- Dalawang sample ang kinuha sa pasyente at ang isa ay lumabas na negatibo kaya nakapagbiyahe pa ito pabalik sa China noong Enero 31

- Ngunit, ang isang sample na siyang pinadala sa RITM at the Victorian Infectious Diseases Reference Laboratory sa Australia ay lumabas na positibo

- Kasalukuyang hinahanap ang kinaroroonan ng babae ngayon sa China upang ipaalam sa kanya ang resulta na mula sa Australia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma ni Health Undersecretary Eric Domingo na isang 60-anyos na babaeng Chinese ang ikatlong kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus o nCoV sa bansa.

Ayon sa ulat ni Kristine Sabillo ng ABS-CBN, dumating daw ito sa Cebu noong Enero 20 lulan ng flight mula sa Hong Kong at nakapagbiyahe agad papunta sa isang resort sa Bohol noong Enero 22.

Di ito nagtagal sa nasabing resort dahil dinala agad ang Chinese sa ospital matapos sabihing di raw maganda ang kanyang pakiramdam.

Base sa travel history nito, agad na kinunan ng samples ang pasyente upang magsagawa ng test kung tinamaan nga ba ito ng nCoV.

Enero 23, dinala sa Research Institute for Tropical Medicine ng bansa ang unang sample habang ang isa pang sample ay pinadala naman sa RITM at the Victorian Infectious Diseases Reference Laboratory sa Australia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lumabas na negatibo ito sa resulta na mula sa RITM ng bansa. Umayos na rin ang lagay ng babae kaya naman kasama na ito sa ilan pang dayuhang Chinese na pinabalik sa kanilang bansa noong Enero 31.

Ngunit nang dumating ang resulta ng kanyang samples noong Pebrero 3 mula sa RITM at the Victorian Infectious Diseases Reference Laboratory sa Australia, lumabas na positibo ito.

Kasalukuyan nang inaalam ang kinaroroonan ng babae sa China upang ipagbigay alam sa kanya ang resulta ng test na ginawa sa Australia.

133 na ang mga PUI o person under investigation habang 3 pa rin ang kumpirmadong kaso ng nCoV ngunit pawang mga Chinese pa rin ito na galing mismo sa Wuhan kung saan sinasabing nagmula ang virus. Kasama na sa bilang na ito ang isang namatay na 44 anyos na turista na kasama ng pinakaunang kinumpirmang kaso ng coronavirus sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel