911 calls kaugnay ng helicopter crash ni Kobe Bryant, inilabas ng mga awtoridad

911 calls kaugnay ng helicopter crash ni Kobe Bryant, inilabas ng mga awtoridad

-Inilabas ng Los Angeles County Fire Department ang limang 911 calls kaugnay ng helicopter crash kung saan nasawi si Kobe Bryant at walong iba pa

-Ayon sa ilan, hindi nila nakita ang helicopter bagamat narinig nila ang tunog nito bago ito mag-crash

-May ilan din na nagsabing narinig na lamang nila ang malakas ng "boom" at ang pag-apoy na kasunod nito

-Nang mga oras na iyon ay wala pa silang ideya na kabilang ang NBA legend sa mga sakay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inilabas ng Los Angeles County Fire Department ang limang 911 calls kaugnay ng helicopter crash na ikinasawi ni Kobe Bryant at ng walong iba pa, kabilang ang 13-anyos na anak nitong si Gianna.

Batay sa mga tawag na ito noong mga oras na naganap ang crash, nakarinig sila ng malakas na "boom" kasunod ang malaking apoy.

"It went over my head," ayon sa isang caller, batay sa ulat ng CNN Philippines at Independent. "It's thick in clouds. I heard a pop and it immediately stop."

Sabi naman ng isang caller, bagamat hindi niya nakita ang helicopter ay narinig naman niya ang tunog nito bago tuluyang nag-crash.

"I'm walking on the trail, I could hear the plane. I think it was in the clouds," anito. "We couldn't see it and then we just heard a boom and a dead sound and then I could see the flames."

"A helicopter crashed into a mountain. We heard it and now I'm looking at the flames," sabi ng isa pang caller.

"We're looking at the flames right now on the hill," dagdag nito.

Nang mga oras na iyon ay wala pa silang ideya na kabilang ang NBA legend sa mga sakay nito.

Ayon naman sa National Transportation Safety Board, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng crash.

Batay sa ilang impormasyong nakalap ng mga awtoridad, posibleng mabilis ang pagbulusok pababa ng helicopter bago ito nag-crash.

"The descent rate for the helicopter was over 2,000 feet a minute," ayon kay NTSB member Jennifer Homendy. "This is a pretty steep descent at high speed."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, napag-alamang na-release na kani-kanilang pamilya ang mga labi ng lahat ng nasawi sa crash.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel