Mga labi ni Kobe Bryant at ng 8 ibang nasawi sa chopper crash, nasa pamilya na

Mga labi ni Kobe Bryant at ng 8 ibang nasawi sa chopper crash, nasa pamilya na

- Narelease na sa kani-kanilang mga pamilya ang mga labi ng siyam na nasawi sa helicopter crash noong January 26

- Kabilang na rito ang mga katawan ng mag-amang Kobe at Gianna Bryant

- Lumabas sa isinagawang autopsy sa mga ito na ang ikinamatay ng lahat ng nasawi ay "blunt force trauma"

- Patuloy naman ang pag-alala sa mga ito sa social media lalo na ang NBA legend na si Kobe Bryant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Narelease na sa kani-kanilang pamilya ang mga labi ng siyam na nasawi sa helicopter crash noong January 26, 2020 sa Calabasas, California.

Kabilang na rito ang mga katawan ng mag-amang Kobe at Gianna Bryant.

Ang pitong iba pa ay kinilalang sina Payton Chester, 13; Sarah Chester, 45; Alyssa Altobelli, 14; Keri Altobelli, 46; John Altobelli, 56; Christina Mauser, 38; at ang pilotong si Ara Zobayan, 50.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, lumabas na ang ikinamatay ng siyam na biktima ay "blunt force trauma" at ang manner of death naman ay "accident".

Una nang naiulat ng KAMI nang sumambulat ang balitang nasawi ang NBA legend na si Kobe Bryant sa isang helicopter crash kasama ang 13-anyos na anak na si Gianna.

Papunta sana ang grupo ni Kobe sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks para sa isang basketball game kung saan kasali si Gianna at ang dalawa pang nasawi.

Patuloy naman ang pag-alala sa mga ito sa social media lalo na sa NBA legend na si Kobe Bryant.

Hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa rin ang naging sanhi ng crash. Ngunit una nang naiulat na posibleng ang makapal na hamog ang isa sa naging dahilan nito.

Samantala, sa isa pang report ng KAMI, nais daw na itago ng misis ni Kobe ang lahat ng mga bagay na iniwan ng mga fans sa Staples Center para sa pag-alala sa namayapang mister.

Mismong ito pa raw ang kumontak sa pamunuan ng Staples Center para sabihin ang request ng kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel