Bilang ng hinihinalang tinamaan ng 2019 novel coronavirus sa bansa, umakyat na sa 105

Bilang ng hinihinalang tinamaan ng 2019 novel coronavirus sa bansa, umakyat na sa 105

- Umakyat na sa 105 ang bilang ng mga pasyenteng inoobserbahan at hinihinalang tinamaan ng novel coronavirus sa bansa

- Mula sa huling bilang na 81, pumalo ito ng halos 25 pa sa bilang dahil sa mga pasyenteng nadagdag mula Calabarzon at Cordillera Administrative Region (CAR)

- Ito rin ang unang pagkakataon na magkaroon ng mga hinihinalang kaso ng nCoV na mula sa mga naturang rehiyon

- Sa ngayon, dalawa pa lang ang kumpirmadong kaso ng nCoV, kabilang na ang isang pumanaw noong Pebrero 1

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumalo na sa 105 ang patients under investigation o PUI ng 2019 novel coronavirus sa bansa ayon sa update ng Department Health ngayong Pebrero 4.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, mayroong mga rehiyon na unang beses pa lamang nagkaroon ng mga PUI. Ito ay ang Calabarzon na mayroong apat na PUI habang ang Cordillera Administrative Region (CAR) naman ay may isa.

Nalaman ng KAMI na nadagdagan din ang bilang sa Metro Manila na may 9 na karagdagang PUIs, Central Visayas na nagkaroon pa ng 5, Western Visayas, at Eastern Visayas na may dalawang bagong kaso, at tig-isa naman sa Central Luzon at Davao Region.

Samantala, nananatili pa rin sa dalawa ang kumpirmadong bilang ng tinamaan ng 2019 novel coronavirus sa bansa na mga turistang mula mismo sa Wuhan, China.

Kabilang na rito ang una nang naibalita ng KAMI na 44-anyos na lalaking pumanaw noon lamang Pebrero 1.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa tila nadaragdagang bilang ng mga hinihinalang kaso ng nCoV araw-araw, nagtalaga na ang bansa ng travel ban papasok at palabas ng bansa lalo na sa mga lugar tulad ng China na siyang pinagmulan di umano ng outbreak ng kinatatakutang sakit na ito.

Paalala din ng DOH na bagaman at tumataas ang bilang ng PUI, di naman nangangahulugan na kailangan nang mag-face mask sa lahat ng pagkakataon.

Gumamit lamang nito kung nasa matataong lugar tulad ng mga sasakyan at elevator na halos magkakadikit ang mga tao.

Nagkaka-ubusan na rin kasi ng face mask sa bansa kaya sana raw ay ipaubaya na lamang sa medical staff ang mga mask at sa mga taong may mahihinang resistensya o mayroon nang iniindang sakit.

Mainam na panatilihing malinis ang mga kamay gaya nang madalas na paghuhugas at paggamit ng 70% alcohol bilang panlinis.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel