Aso na nakakasakay mag-isa sa bus, hinangaan ng libo-libong netizens

Aso na nakakasakay mag-isa sa bus, hinangaan ng libo-libong netizens

- Sikat na sikat na ngayon ang asong si Eclipse na kaya umanong magbiyahe mag-isa sa bus

- Natuklasan ito ng kanyang amo na minsang nag-alala sa pag-aakalang wala na si Eclipse

- Iyon pala, nakasakay na ito sa bus at nauna na sa parke na kanilang pinapasyalan

- Mula noon, nilalagay na lamang ng amo ang card para sa bus sa collar ni Eclipse at nakakaalis at nakakabalik na itong mag-isa

- Marami ang natutuwang pasahero sa asong ito dahil para raw itong tao na hahanap ng kanyang mauupuan at bababa sa kanyang destinasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang kwento ng asong si Eclipse na marunong sumakay ng bus kahit na walang kasama.

Ayon kay Robblie Lauren, pagmamay-ari daw ni Jeff Young ang asong si Eclipse.

Nagsimula raw ito nang tila nabagalan si Eclipse sa paglalakad ng amo.

Di raw namalayan ni Jeff na nauna na si Eclipse na makasakay ng bus patungo sa parke kung saan sila namamasyal.

Dahil nakilala na si Eclipse ng mga bus driver, naibaba ito sa dog park.

Mula noon, nagagawa na ng aso na mamasyal mag-isa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilalagay na lamang ng kanyang amo ang bus pass sa collar ng aso upang makapagbayad pa rin daw ito sa kanyang pagsakay.

Marami ang naaaliw na pasahero kay Eclipse. Humahanap daw ito ng upuan na parang tao at nakikipagkaibigan din ito sa kanyang mga kasakay.

Tila naging instant celebrity na rin ang asong ito dahil sa pakikisalamuha niya sa mga tao at nagdadala daw ito ng "good vibes" sa kanila.

Sa ngayon, meron na siyang Facebook page kung saan binabahagi ng kanyang mga nakakasama ang kanilang mga larawan doon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel