Emosyonal na post ng babaeng pinakasalan ang kanyang ex-boyfriend, viral

Emosyonal na post ng babaeng pinakasalan ang kanyang ex-boyfriend, viral

- Marami ang naantig ang puso at namangha sa viral post ng isang bride na pinakasalan ang kanyang ex-BF

- Siyam na taon na silang nagkahiwalay ngunit masasabing itinadhana raw talaga sila sa isa't isa

- Nang muling magtagpo ang landas nila nito lamang nakaraang taon, di na pinakawalan ng lalaki ang kanyang ex-GF at inalok na niya ito ng kasal

- Ngayon, tila ito raw ang panahon kung kailan tama na ang lahat para sa kanila kaya naman hindi na nila ito pinalagpas pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post na may pamagat na "I Married my Ex Boyfriend" ng netizen na si Aika Ota-Paglinawan.

Nalaman ng KAMI na emosyonal na ikinuwento ni Aika ang love story nila ng kanyang ex-boyfriend na pinakasalan din niya.

2010 daw nang una nilang pasukin ang isang relasyon sa murang edad na 13.

Dahil sa masyado pa silang bata nagkahiwalay din sila.

Ngunit di nawalan ng pag-asa si Aika at ramdam niya na magtatagpo rin ang landas nila ni Clark Sebastian Paglinawan.

Di nga nagkamali ng pakiramdam si Aika. Siyam na taon ang lumipas at muli silang nagkita ni Clark.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pakiramdam daw nila na lahat ng bagay sa panahong iyon ay tama. Lahat daw nang nagyari sa buhay ni Aika ay naging positibo nang muling makasama si Clark.

Kaya naman nang bitawan na nito ang katagang "Will you marry me", di na nagdalawang isip pa na sumagot ng "Yes" si Aika.

Masasabing maswerte nga raw ang dalawang ito na kahit nagsimula sa murang edad at nagkahiwalay din, muling nagtagpo ang landas nila dahil sila pala talaga ang itinadhana para sa isa't isa.

Narito ang kabuun ng post ni Aika na nagpakilig sa maraming netizens:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel