37-anyos na babae, nais pa ring makilala ang tunay na ina at mga kapatid

37-anyos na babae, nais pa ring makilala ang tunay na ina at mga kapatid

- Humingi na ng tulong sa KAMI ang isang netizen na hinahanap ang kanyang ina at mga kapatid

- 32 taon na raw siyang hindi nakakauwi sa kanila at maging ang tunay niyang pangalan sa kanilang pamilya ay nakalimutan na rin niya

- Huling ala-ala na lamang niya ay ang di magandang nagawa ng ina kung saan humingi siya ng tulong at mula noo'y nawalay na siya sa piling kanyang tunay na pamilya

- Umaasa siyang matatagpuan pa rin niya ang kanyang pamilya na matagal na panahon na rin niya talagang hinahanap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen na may Facebook name na Jec Elle Dolorfino ang nagpadala ng liham sa KAMI upang humingi ng tulong na mahanap ang kanyang ina at mga kapatid.

Huling alaala na lamang niya sa mga ito ay nang humingi siya ng tulong noong limang taong gulang pa lamang siya dahil sa ngawa ng ina sa sarili na hindi maganda.

Mula noon, nawalay na siya sa piling ng kanyang pamilya. sa tagal ng panahon na lumipas, nakalimutan na rin niya ang kanyang pangalan na bigay sa kanya ng tunay niyang pamilya.

Sa edad niya ngayong 37, di pa rin siya nawawalan ng pag-asang makakasama muli niya ang mga kadugo at umaasa rin siyang buhay pa ang kanyang ina.

37-anyos na babae, nais pa ring makilala ang tunay na ina at mga kapatid

source: supplied
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kwento ni Jecelle na pinadala niya sa KAMI:

"Good day po sa lahat! Hinahanap ko lang po ang mga magulang ko po at mga kapatid dito po banda sa Talipapa, Novaliches qc. 32 yrs.na akong hindi na nakabalik. 5 yrs. old lang ako nung nagsaksak ang inay ko sa tiyan nya kaya ako umalis para maghanap ng tulong ang kaso nawala na po ako. Andito na po ako sa Mindanao. Ang natandaan ko sa bahay namin noon may kapitbahay kaming kulay green ang bahay, sementado. Doon kasi ako nakikinood ng tv. Doon din pumupunta nanay at tatay ko.

May dalawa akong kapatid na naiwan doon. Lalaki yong sumunod sa akin at may bagong panganak pa lang ang inay ko noon nung umalis na ako. May nunal ako sa noo ko dati. Pina-operahan ko na ngayon. Hanggang ngayon andito pa yong damit ko. Tinawagan na ako ng kmjs last yrpero hanggang ngayon wala na akong balita sa kanila. Ininterview lang ako walang impormasyon pa akong nakuha sa kanila. Sana matulungan nyo ko. Nakalimutan ko kasi pangalan namin ng tunay kong pamilya.salamat po!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel