Pinoy healing priest, pumanaw na sa edad na 52

Pinoy healing priest, pumanaw na sa edad na 52

- Pumanaw na ang Filipino Catholic healing priest Fr. Fernando Suarez ngayon, Pebrero 4

- Naglalaro lamang daw ito ng tennis nang biglang bumulagta at iyon pala'y inatake na sa puso

- Taunang sports tournament daw ang nilahukan na ito ni Fr. Suarez at lahat ng mga kasali ay pawang mga pari rin

- Magdiriwang pa naman sana ng ika-53 kaarawan ang healing priest sa Pebrero 7

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Namayapa na ang kilalang Filipino Catholic healing priest Fr. Fernando Suarez ngayon, Pebrero 4 sa edad na 52.

Kinumpirma ito ni Dedee Siytangco ang spokesperson ng Missionaries of Mary Mother of the Poor sa panayam sa kanya ng DZMM.

Nalaman ng KAMI na naglalaro ng tennis si Fr. Suarez nang bigla ito umanong bumulagta.

Iyon pala ay inatake na ito sa puso. Agad siyang nadala sa Asian Hospital Medical Center ngunit idineklara na siyang patay ganap na alas tres ng hapon.

Pawang mga pari ang mga kasali sa sports tournament na nilahukan ni Fr. Suarez at ginagawa nila ito taon-taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Magdiriwang pa naman sana ang pari ng ika-53 kaarawan niya sa Biyernes, Pebrero 7.

Naging kilala si Fr. Suarez sa pagiging healing priest sa loob at labas ng bansa.

Nasangkot din ito sa ilang kontrobersiya gaya ng pagkwestyon sa kanya ng ilang obispo sa pagsasagawa umano nito ng healing masses at ang malala ay nang masangkot siya sa pang-aabuso ng minor.

Lumabas na "not guilty" siya sa akusasyon kaya naman naipagpatuloy niya ang paggagamot taong 2008.

Minsan na rin siyang nakapanayam sa programang The Bottomline with Boy Abunda noong 2015 kung saan nabanggit niya ang linyang "human, yet he is a man of God" patungkol kay Pope Francis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel