Taal Evacuee, nakapagtayo ng munting tindahan sa dami ng naipong relief goods

Taal Evacuee, nakapagtayo ng munting tindahan sa dami ng naipong relief goods

- Viral ang post ng isang nagpakilalang evacuee ng pagsabog ng Bulkang Taal dahil nagkaroon umano siya ng instant sari-sari store

- Ayon sa netizen, sa dami raw ng kanilang natanggap na relief goods, nagkaroon tuloy sila ng maliit na tindahan

- Laking pasalamat daw niya sa mga nag-donate at maganda raw itong simula sa muli nilang pagbangon mula nang nag-alboroto ang bulkang Taal

- Bagaman at marami na ang nakabalik sa kani-kanilang mga tahanan, nananatili pa ring nasa alert level 3 ang bulkan at patuloy pa rin na minomonitor ang aktibidad nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ang post ng nagpakilalang dating Taal evacuee na si Christian Finn De Villa.

Binahagi niya ang mga larawan ng bagong bukas niyang sari-sari store na mula raw sa mga donasyon sa kanila noong sila ay nasa evacuation center pa lamang.

Ayon sa post, nagpapasalamat daw si Christian sa mga nagpadala ng donasyon sa kanila at nakapagpatayo sila ng maliit na tindahan dahil dito.

Nalaman ng KAMI na karamihan ng mga donasyon ay mga de lata partikular na ang sardinas, mga biskwit at kape.

Kapansin-pansin din ang face masks na nakasabit dahil sa kinakailangan pa rin ito ng mga tao roon sakaling magpatuloy ang pag-aalboroto ng bulkang Taal.

Natuwa naman ang mga netizens para kay Christian. Maganda raw kasi itong simula ng kanila muling pagbangon mula sa pinsala at abalang naidulot sa kanila ng pagsabog ng Taal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Cge pagyamanin mo yan at ng maka pag simula ulit"
"Ayos yan dagdag puhunan din ung mga damit na pinadala namin ipang ukay ukay mo sir"
"Walang masama di mo nman yan inagaw o ninakaw...khit ebenta mo yan mlaking tulong p dn sa pamilya mo...good job kaso bka wlng bumili kc meron dn mga kpit bhay mo nyan hehehe"
"Panimulang hanapbuhay po atleast magkakapitbahay din ang bibili"
"Tama yan. May panimula na po kayo. Bangon Batangas. Hehe!"

Marami nang mga evacuees na nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan habang ang ilan naman ay wala nang nabalikan at gumagawa na ng paraan upang makapagsimula muli.

Sa ngayon, nananatili pa ring nasa alert level 3 ang Taal.

Patuloy pa ring naka-monitor ang Phivolcs sa bawat aktibidad ng bulkan lalo pa at nakararanas pa rin doon ng paglindol at panaka-nakang pagbuga ng usok at abo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel