Pinoy Vlogger, kinasuhan matapos magkunwaring mayroong coronavirus
- Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng vlogger na si Marlon de Vera na nagkunwaring mayroong coronavirus sa isang mall, kakasuhan pa rin ito ng PNP
- Matatandaang nagviral ang video ni De Vera matapos itong kunwaring nahimatay sa tapat ng isang mall
- Ayon sa PNP, ang mall na ito ay nauna nang naiulat na nagkaroon ng kaso ng coronavirus bagamat nilinaw ng mga awtoridad na fake news lamang ito
- Nagdulot naman ng panic sa marami ang ginawa ni De Vera sa gitna ng isyu ng nakahahawang novel coronavirus
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng Pinoy vlogger na si Marlon de Vera dahil sa kanyang pagkukunwaring mayroong coronavirus, sinampahan pa rin ito ng kaso ng Philippine National Police.
Batay sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Lt. Col. Aldwin Gamboa, hepe ng Legazpi City police, isinampa ang kasong alarm and scandal laban kay De Vera sa prosecutor's office.
Matatandaang nagviral sa social media ang ginawang prank ni De Vera sa Yashano Mall sa Legazpi City noong February 2.
Ayon sa PNP, ang mall na ito ay nauna nang naiulat na nagkaroon ng kaso ng coronavirus bagamat nilinaw ng mga awtoridad na fake news lamang ito
Sa video na ito, kunwaring nahimatay si De Vera sa tapat ng entrance ng nasabing mall habang kinukuhanan ng video ng kasama nito.
Maya-maya pa ay bigla na lamang itong tumayo at nag-stretching pa.
Nagdulot ito ng panic sa ilang naroon at may ilan pa ngang naglabasan sa mall.
“He committed a crime, so we need to file a case,” sabi ni Gamboa.
“He created scandal and caused panic to the public especially about this sensitive case,” dagdag pa nito.
Sa kanyang social media account, agad namang humingi ng paumanhin si de Vera at sinabing pinatawad naman siya ng mall na sangkot at hindi na nagsampa pa ng kaukulang reklamo.
Narito ang video na ni-reupload ng FB page na Bicol Trending News:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, ayon sa pinakahuling ulat, umabot na sa 490 biktima ang nasawi dahil sa 2019-nCoV habang 24,324 naman ang infected na nito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh