Sylvia Sanchez, ibinida ang 'Tala' dance bonding ni Maine Mendoza at kanilang pamilya

Sylvia Sanchez, ibinida ang 'Tala' dance bonding ni Maine Mendoza at kanilang pamilya

- Ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang masayang bonding moment ni Maine Mendoza sa kanilang pamilya

- Puring-puri din niya si Maine na makikitang nagtuturo ng dance steps ng Tala sa lola ni Arjo

- May litrato ring kasama ang ama ni Arjo na si Art Atayde na pinanonood ang masayang bonding moment

- Nakita din sa post na ito ni Sylvia ang pagiging sweet ng magkasintahang Arjo at Maine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang ilang videos at pictures ng masayang bonding moment ng kanilang pamilya kasama ang girlfriend ng anak niyang si Arjo Atayde.

Game na game na nakipagkulitan si Manie Mendoza sa lola ni Arjo at sa iba pang mga kapamilya ng boyfriend. Tinuruan ng aktres ang lola ni Arjo at dalawa pang kapamilya nila ng steps ng Tala dance.

Makikita naman na masayang nanonood ang ama ni Arjo na si Art habang si Arjo naman ay kumukuha ng video.

Matatandaang naging usap-usapan ang pictures na ibinahagi ni Maine kasama ang pamilya Atayde nang mag-dinner sila sa isang restaurant sa mall sa Pasig City, noong November 17, 2019.

Ilan sa mga netizens ang nagsabing "edited" lang umano ang mukha ni Maine sa litrato.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang magkasintahang Arjo at Maine ay nagdiwang ng kanilang anniversary bilang magkasintahan noong December 21, 2019.

Sa naunang ulat, usap-usapan din ang Tala challenge nina Maine at Arjo.

Unang naging usap-usapan ang magkasintahan nang makita silang magkasama noong October 2018 habang ginagawa ang Jack Em Popoy: The PulisCredibles, na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

Si Maine Mendoza ay isa sa mga pinaka-popular na mga aktres sa showbiz. Isa siya sa mga primerang talent ng GMA. Ipinanganak siyang si Nicomaine Dei Capili Mendoza. Naging sikat na vlogger si Maine dahil sa mga mabenta niyang Dubsmash videos. Nag-level up nang husto ang kasikatan niya dahil sa role niya bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga at nang maging parte siya ng Aldub love team kasama si Alden Richards.

Si Sylvia Sanchez ay isang Pinay actress na napapanood sa Kapamilya network. Siya ang ina ng magkapatid na sina Arjo at Ria Atayde.

POPULAR: Read more about Maine Mendoza here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel