Netizen, naiyak sa tuwa nang magbayad ng utang ang kaibigan matapos ang 18 taon

Netizen, naiyak sa tuwa nang magbayad ng utang ang kaibigan matapos ang 18 taon

- Tampok ngayon sa social media ang kwento ng isang netizen matapos siyang mabayaran ng kaibigan niya

- Giit ng netizen, 18 years bago nagbayad ng utang ang kaibigan niya sa kanya na nakasama niya noon sa trabaho

- Sa sobrang tuwa ay naiyak ang netizen dahil nakita niya na gusto ng kaibigan niya na magbagong buhay na

- Samantala, natuwa rin naman ang mga netizens sa pagbabayad ng utang ng kaibigan kahit matagal na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen sa Singapore ang labis ang tuwa nang magbayad ng utang ang kanyang kaibigan sa kanya.

Nalaman ng KAMI na sa tagal ng panahon ay nagpasya na rin ang kaibigan niyang magbayad sa kanya.

Ayon sa ulat ng Buzooks, 18 na taon din naghintay ang netizen para bayaran siya ng kaibigan niya.

Noong 2002 ay magkasama sila sa trabaho at nagkulang umano ang pera ng kaibigan niya kaya pinahiram niya ito.

Subalit, bigla na lang hindi bumalik ang kaibigan niya, nagpalit ng number, at hindi na nagparamdam.

“He have not return. He changed his phone number and we are unable to contact each other anymore.

I also think that if i prepare to lend i prepare to lost it all. Just let water flow,” giit ng netizen.

Nagkita sila muli at nangako ang kaibigan na magbabayad siya. Subalit, hindi na naman natuloy ito at hindi na naman siya nagparamdam.

Hanggang sa isang araw ay may tumawag sa kanya na hindi niya kilala ang number. Ito na pala ang kaibigan niya at hinihingi na ang bank account details niya.

Sa sobrang tuwa ay naiyak ang netizen dahil nakita niya na gusto na magbagong buhay din ng kaibigan niya matapos ang matagal na panahon.

“This morning, he text me with this receipt. Tears flow down from my eyes,” sabi ng netizen.

“Why i am so joyful because he finally did it and step out of that ‘always empty promises’ him. I see that my man finally wanted a change of his life!” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang ibang mga netizen din ay natuwa sa kwento ng netizen. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“theres still hope!”
“Wow faith in humanity restored!”
“This, I call him a man!”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel