Singkit na Pinay, nakaranas din daw ng diskriminasyon sa mga Pilipino
- Hindi raw inaasahan ng isang Pinay na makakaranas din siya ng diskriminasyon mula sa mga kapwa Pilipino
- Ayon dito, dahil sa kanyang facial features ay napagkamalan siyang Chinese sa gitna ng mainit na isyu sa coronavirus
- Sa isang Facebook post ibinahagi nito ang kanyang 'di makakalimutang karanasan
- Ayon sa huling update, umabot na sa 426 ang nasawi dahil sa 2019-nCoV
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Hindi raw inaasahan ng isang Pinay na maging ito ay makakaranas din ng diskriminasyon mula sa mga kapwa Pilipino.
Ayon sa Facebook post ng netizen na si Miyaka Louise Apruebo, dahil sa kanyang pagka-chinita ay tila napagkamalan siyang Chinese ng ilan sa gitna ng mainit na isyu sa coronavirus.
Sa kanyang pots, ibinahagi niya ang hindi makakalimutang karanasan mula sa ilang Pinoy.
"HAHAHAHA DI KO INAKALA MANGYAYARI DIN SAAKIN. MGA KAHOMBRE RACISM IS REAL," anito.
Anito, pauwi na raw siya at sumakay sa isang jeep nang mangyari ang insidente. Naka-facemask daw ito dahil na rin sa takot magkasakit.
Hindi naman nito inasahan na mauubo sa loob ng jeep dahil sa kinaing ice cream at sa malamig na panahon.
Dahil dito, wala raw gustong mag-abot ng kanyang bayad sa jeep at ang ilan pa nga ay lumayo sa kanya.
"Habang kumukuha ako ng bayad ko sa coin purse ko, NAUBO AKO!!(Mga 2-3 times siguro) So dedma lang dahil WALA AKONG VIRUS NO!!!!!
"AT ETO NA NGA PUTRES NA YAN NUNG IAABOT KO NA BAYAD KO (which I normally do as saying "bayad" with a low tone voice) EH WALANG GUSTONG KUMUHA O MAG ABOT NG BAYAD KO!!!!!!!"
Nang mapansin daw ito ng dalaga ay hinubad nito ang suot na facemask at sinabing isa siyang Pinay at nilinaw na wala siyang sakit.
Ganunpaman, agad naman daw na nag-alcohol ang mga kapwa pasaherong nag-abot ng kanyang pamasahe.
Hindi naman nito napigilan ang sumama ang loob dahil sa sinapit.
Samantala, batay sa pinakahuling update, umakyat na sa 426 ang nasawi dahil sa coronavirus kung saan ang isa sa mga ito ay sa Pilipinas binawian ng buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh