Vanessa Bryant, itatago ang mga bagay na mula sa fans ni Kobe Bryant

Vanessa Bryant, itatago ang mga bagay na mula sa fans ni Kobe Bryant

- Mismong ang misis ni Kobe Bryant ang nag-request na makuha ang mga bagay na iniwan ng mga fans ng asawa sa harap ng Staples Center sa LA

- Nais ng naulilang pamilya na itago ang mga ito para sa alaala ng pumanaw na NBA legend

- Lahat ng mga ito ay iisa-isahin ng pamunuan ng Staples Center bago ipadala sa Bryant family

- Matapos nito, nanawagan ang mga ito na mag-donate na lamang sa Mamba Foundations ang mga nais pang mag-alay ng bulaklak o iba pang bagay sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mismong ang misis ni Kobe Bryant na si Vanessa Bryant ang nag-request na makuha ang mga bagay na iniwan ng mga fans sa memorial sa Staples Center sa Los Angeles, California para sa mag-amang Kobe, Gianna at sa pitong iba pa na nasawi sa helicopter crash.

Base sa ulat ng Insider, mismong si Vanessa ang kumontak sa pamunuan ng Staples Center para ipaalam ang nais sa mga inalay sa memorial.

Ayon naman sa report ng Los Angeles Times, sinabi ng presidente ng Staples Center, L.A. Live and Microsoft Theater na si Lee Zeidman na iisa-isahin nila ang lahat ng mga bagay sa memorial mula sa mga fans bago ipadala sa Bryant family.

"It will have been a week. We have contractually obligated events that are moving in," anito.

"Vanessa had reached out to us and said, 'Our family would like the items out there.' So we're going to catalog every one of them. By that I mean, t-shirts, letters, basketballs, stuffed animals, toys. We're going to put those in specially made containers and we're going to ship them to the family," dagdag pa nito.

Hinikayat naman ni Zeidman ang mga fans na nais pang mag-alay ng bulaklak na mag-donate na lamang sa ilang Mamba Foundations.

"Our goal is to somehow have it cleaned up as we relate to the middle of next week and we're asking people — we're going to put signage all around LA Live and Staples Center — if you still feel the need to do something, you can certainly come down here. But we hope that you wouldn't bring any gift and flowers, but that you donate to the Mamba Foundations that they've already set up. Then we try to get back to whatever normalcy is around the campus," anito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, ilang araw matapos ang pagkasawi ni Kobe at ng iba pa, ginamit ni Vanessa ang larawan nito at ng anak na si Gianna bilang profile photo nito sa Instagram.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel