Ina ng may leukemia, emosyonal na nakiusap na mailabas ang anak sa kabila ng lockdown

Ina ng may leukemia, emosyonal na nakiusap na mailabas ang anak sa kabila ng lockdown

- Viral ang larawan ng isang ina na nagmamakaawang makalabas ng Hubei para maipagamot ang anak na may leukemia

- Sa dami na umano ng kaso ng 2019 novel coronavirus sa kanilang lugar, di na umano makapag-chemotherapy ang 26-anyos na anak

- Sinabi niyang kahit ang anak na lamang niya ang palusutin patungo sa Jiujiang para lamang malapatan ng proseso ng gamutan

- Kalaunan ay pumayag ang mga pulis at tumawag ng ambulansyang susundo sa mag-ina

- Marami na ang nagtangkang dumaan sa tulay na ito sa Yangtze river kung saan makalalabas sana sila ng Hubei ngunit di sila pinalad

- Laking pasalamat ng ina na pinahintulutan sila dahil wala siyang ibang hangad kundi ang kaligtasan ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang larawan ni Lu Yuejin, isang ina sa Hubei province na nagmamakaawang makalabas sa naka-lockdown na lugar nila dala ng 2019 novel coronavirus o nCoV outbreak.

Ayon sa Reuters, emosyonal na nagmamakaawa si Lu na pahintulutan ang kanya man lang anak na si Hu Ping na makalabas dahil sa ito ay may leukemia.

Sa dami na kasi ng kaso ng nCoV sa mga ospital sa kanilang lugar, di na makapag-chemotherapy ang kanyang 26-anyos na anak.

Balot na balot sa kumot at protektado rin ang mukha ng anak lalo pa at sinasabing maaring kapitan ng kinatatakutang virus ang sinumang mahina na ang resistensya o mayroon na talagang iniindang sakit.

Nais niyang madala ang anak sa ospital sa Jiujiang at ang tulay ng Yangtze river na parte ng lockdown ang tanging madaraanan nila patungo roon.

Pinaliwanag niya sa mga pulis na nais lang naman niyang mabuhay ang anak sa pamamagitan ng pagpapagamot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kalaunan ay pumayag na ang mga bantay ng tulay at sila pa mismo ang tumawag ng ambulansiyang susundo sa mag-ina.

Mula Enero 24, mula nang tumindi ang outbreak sa Hubei, marami na ang nagtangkang lumabas sa daang ito ngunit walang nagtagumpay.

Kaya naman laking pasalamat ni Lu at sila'y napagbigyan sa kanyang kahilingan.

Dumaan din agad sila sa matinding pagsusuri sa ambulansya pa lamang upang masiguro na wala silang anumang karamdaman sa maliban sa leukemia ng anak sa pagpasok sa Jiujiang.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel