Babaeng driver, natuwa pa nang mahuli ng MMDA enforcer sa daan

Babaeng driver, natuwa pa nang mahuli ng MMDA enforcer sa daan

- Isang babaeng motorista ang nagbahagi ng kanyang kwento nang mahuli siya sa daan ng isang MMDA enforcer

- Kwento ng babae, nawala na sa isip niya na coding siya noong siya ay nagmaneho sa Quezon City

- Kaya naman, nahuli siya ng isang MMDA traffic enforcer at hiningi ang kanyang lisensya

- Laking tuwa naman ng babae na hindi na kinumpiska ng traffic enforcer ang lisensya niya matapos siyang mahuli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang netizen matapos siyang hulihin ng isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) enforcer.

Nalaman ng KAMI na nahuli ang motoristang babae dahil coding ang kanyang dalang sasakyan.

Ayon sa Facebook post ng page na Sierreza - Community-Supported Agriculture, papunta ang motorista sa isang sikat na unibersidad sa Quezon City mula sa Rizal kasama ang mga magsasaka.

“Sa sobrang busy at lutang, nasa Daraitan na kami noong na-realize kong coding pala yung pickup!” sabi ng netizen.

Subalit, isang kilometro na lang malapit sa paaralan ay nahuli pa siya ng MMDA enforcer. Laking pasalamat ng motorista dahil mabait na lumapit ang enforcer sa kanya.

“Mga 1 km away nalang from Ateneo gate, ayun na nga. Pinara na ako ni sir MMDA,” kwento niya.

“Pero ang aliwalas ng aura nya. Medyo nakangiti, magalang, at walang bahid ng angas. At dahil mabait ang approach nya, ang luwag sa pakiramdam habang inaabot ko yung lisensya ko sa kanya,” dagdag niya pa.

Mas natuwa ang babae dahil hindi na raw kinumpiska ng traffic enforcer ang lisensya niya kahit na siya ay lumabag sa batas.

“Tapos para akong nanalo sa raffle nung sinabi nya na ‘mam hindi ko po kukumpiskahin ang lisensya mo. Bayad lang po kayo sa bayad center.’ Huhu ambait! Sabi ko buti nalang sir ikaw ang nakahuli sakin. Thank you,” dagdag niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang Facebook post naman ni MMDA chairman General Danny Lim, ipinaliwanag niya na hindi kinukumpiska ng MMDA traffic enforcers ang lisensya ng mga motorista kaya dapat ay ipakita lang ito kapag hinihingi nila.

“Keep calm and just show your license,” sabi ni General Lim.

“Hindi kinoconfiscate ng MMDA traffic enforcers ang lisenysa ng isang traffic violator. Kapag nahuli ka ng enforcer, ipakita lang ang lisensya para mailagay ang mga kailangang detalye sa violation ticket,” dagdag niya pa.

Ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ay isang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa mga daan at programang makakatulong sa pag-unlad ng mga bayan sa Kalakhang Maynila.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel