Mga OFW na apektado ng travel ban ng China, makatatanggap ng ₱10,000 ayon sa OWWA

Mga OFW na apektado ng travel ban ng China, makatatanggap ng ₱10,000 ayon sa OWWA

- Tinatayang nasa 300 na mga OFW ang apektado ng travel ban ng China

- Kasalukuyan silang stranded sa mga airports sa bansa at wala pang kasiguraduhan patungkol sa kanilang pag-alis sa bansa

- Dahil dito, makatatanggap sila ng ₱10,000 tulong mula sa gobyerno

- Bukod dito, maari ring patuluyin pansamantala OWWA halfway house at ang ilan ay tutulungan nang makabalik sa kani-kanilang probinsya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Makatatanggap ng 10,000 na tulong mula sa gobyerno ang mga Overseas Filipino Workers na apektado ng travel ban ng mainland China, Hong Kong at Macau.

Ayon sa Rappler, kinumpirma ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Lunes, Pebrero 3 sa pamamagitan ng isang memorandum.

Nalaman ng KAMI na makatatanggap ng naturang halaga ang mga OFW na kasalukuyang stranded sa mga airport dahil sa di na pagpayag na makapagbiyahe sa China kung saan mayroong outbreak ng 2019 novel coronavirus.

Bukod sa perang tulong na ibibigay ng pamahalaan, pahihintulutan din ang ilang OFW Na manatili muna sa OWWA halfway house lalo na at wala pang kasiguraduhan ang kanilang pag-alis sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ilan naman ay maari ring humingi ng tulong sa OWWA kung nais na nilang makabalik sa kani-kanilang mga probinsya.

Tinatayang nasa 300 ang kasalukuyang bilang ng mga OFW na ito na karamihan ay patungo talaga sa mainland China.

Una nang inanunsyo ng Malacañang ang travel ban patungo o pabalik ng Hubei, ang capital ng Wuhan kung nasaan ang nCoV outbreak.

Ngunit nito lamang Pebrero 2, dinagdag na rin ng mainland China, Hong Kong at Macau sa travel ilang minuto bago kinumpirma ang ikalawang kaso ng novel coronavirus sa bansa.

Alinsunod din nito ang pansamantalang paghinto ng Pilipinas sa pag-issue ng Visa sa China, Hong Kong at Macau.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel