Inang positibo sa novel coronavirus sa China, nagsilang ng malusog na sanggol

Inang positibo sa novel coronavirus sa China, nagsilang ng malusog na sanggol

- Malusog at walang sakit ang sanggol na isinilang sa Heilongjiang province sa China

- Kahit pa infected ng 2019 novel coronavirus ang ina nito, lumabas naman na negatibo ang sanggol sa kinatatakutang sakit

- Ilang araw ding nasa quarantine ang mag-ina upang masiguro ang lagay ng kalusugan ng mga ito

- Kasalukuyan nang stable ang kalagayan ng sanggol at ina nitong nakakarecover na sa nCoV

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Himalang maituturing ang pagsilang sa isang sanggol sa ospital ng Harbin, Heilongjiang province sa China.

Nalaman ng KAMI na infected ng 2019 novel coronavirus o nCoV ang ina ng sanggol kaya naman di naging madali ang panganganak nito.

Ayon sa Inquirer, Enero 30 nang isinilang ang malusog na sanggol ngunit kinailangan siyang ilagay sa quarantine kasama ng ina.

Hindi naging madali ang isinagawang cesarean section sa ina dahil sa iniingatan din ng medical staff ang kasalukuyang kalusugan ng ina na may nCoV.

Siniguro rin na ang medical team na magsasagawa ng pagpapaanak sa ina ay hindi na-expose sa nCoV.

Inang positibo sa novel coronavirus sa China, nagsilang ng malusog na sanggol

source: China Daily/Asia News Network
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang operasyon, agad din silang inobserbahan upang masiguro naman ang kanilang kalusugan.

Pagkalabas ng sanggol, nagsagawa agad ng test sa sanggol kung ito ba ay mayroon na ring nCoV.

Negatibo naman ito sa kinatatakutang sakit at maging ang ina ay stable na rin ang kalagayan.

Mabilis na nakaka-recover na rin ito at inoobserbahan na lamang ang kanilang kalagayan.

Masasabing isa na ito sa magandang balita ng pag-asa sa gitna na kinakaharap na suliranin ngayon ng China.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel