Mga drone sa China, ginamit para mag-spray ng disinfectant at magbigay anunsyo

Mga drone sa China, ginamit para mag-spray ng disinfectant at magbigay anunsyo

- Ginamit ng mga opisyal sa China ang drone upang magbigay anunsyo sa mga tao na gamitin lagi ang mga mask nila

- Isang lola nga ang nahuling lumabas ng bahay niya na walang suot na mask kaya agad sinita ito

- Bukod pa rito, ginamit din nila ang drone para mag-spray ng disinfectant sa mga apektadong village

- Umaasa ang mga tao na makakatulong ito sa pagtigil ng paglaganap ng 2019 novel coronavirus sa China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mas naging kapakipakinabang ang mga drone ngayon sa China sa kalagitnaan ng paglaganap ng 2019 novel coronavirus.

Nalaman ng KAMI na ginagamit ng awtoridad sa China ang drone upang magbigay anunsyo.

Ayon sa ulat ng New York Post (awtor Eileen AJ Connelly), ginamit ng mga opisyal ang drone para sitahin ang isang ginang na walang suot na mask sa labas ng bahay niya.

“Yes, auntie, this is the drone speaking to you. You shouldn’t walk about without wearing a mask,” sabi nito sa caption.

“You see we’ve been telling people to stay at home, but you still wander outside. Now a drone is watching you,” dagdag pa nito.

Samantala, sa ulat naman ng Daily Mail UK, ginamit ng mga awtoridad ang drone para mag-spray ng disinfectant sa mga village na apektado ng coronavirus.

Isang taga-Heze, Shandong naman na residente ang nagkusang loob na ipagamit ang kanyang sariling drone para makatulong sa pagpapakalat ng disinfectant sa lugar nila.

Umaasa naman ang mga tao na mas makakatulong ang ginagawa nilang ito para hindi na tuluyan pang lumobo ang bilang ng may coronavirus sa China.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng KAMI na ang ilang mga Pinoy sa Wuhan, China ay mas pinili na lang manatili doon kaysa mag-uwi ng posibleng coronavirus sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), dalawa na ang kumpirmado kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas at ang isa nga rito ay pumanaw na.

Nagsimula ang 2019 novel coronavirus sa Wuhan, China. Ilang buwan lang makalipas ay kumalat na ito sa iba’t-ibang bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel