Ilang OFW sa Wuhan, mas piniling maiwan doon kaysa magdala ng virus sa Pinas

Ilang OFW sa Wuhan, mas piniling maiwan doon kaysa magdala ng virus sa Pinas

- Ayon sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Wuhan, mas pinili niya na ang matira na lamang sa Wuhan

- Kahit na laganap ang 2019 novel coronavirus sa Wuhan, China, ayaw pa rin daw umuwi ng ilang OFW sa Pinas

- Giit ng mga OFW, ayaw na nilang magdala pa ng posibleng coronavirus sa bansa

- Samantala, nasa 50 na Pinoy naman ang nakatakdang umuwi ng Pinas at sila ay sasailalim sa quarantine pagdating dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Wuhan, China, ang mas pinili pang manatili na lang doon kahit na may 2019 novel coronavirus.

Nalaman ng KAMI na mas gustong maiwan ng mga Pinoy sa Wuhan kaysa magdala ng posibleng coronavirus sa bansa.

Ayon sa panayam ng OFW na si Dhel Tanaga sa DZMM Kabayan, maging ang ibang mga kapwa OFW niya doon ay mas pinili na ring manatili sa Wuhan.

"Sa'kin po mas maganda po yung hindi muna kami uuwi ng Pilipinas kasi hindi namin po alam kung may virus na kaming dala sa katawan so ayaw ko pong umuwi ng Pilipinas na magdadala ako ng virus," giit ni Dhel.

"Ayaw din po nila kasi ayaw nilang magdala ng virus kasi napakalapit po namin dito sa pinanggalingan ng virus,” dagdag pa nito.

Giit ni Dhel, okay naman daw silang mga Pilipino doon sa Wuhan at wala pang may coronavirus sa kanila.

“Ang mga kasamahan ko po okay lang po kami dito, wala pong infected sa virus. Lahat po kaming Pilipino is okay po dito,” sabi ni Dhel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng KAMI na isang Chinese na nagpositibo sa 2019 novel coronavirus sa Pinas ang binawian na ng buhay.

Samantala, nasa 50 na Pinoy ang nakatakdang umuwi pabalik ng Pinas mula sa Wuhan at sila ay sasailalim sa quarantine sa loob ng 14 na araw.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel