Nico Bolzico, may pasilip sa blue eyes ng baby nila ni Solenn Heusaff

Nico Bolzico, may pasilip sa blue eyes ng baby nila ni Solenn Heusaff

- Ibinahagi ni Nico Bolzico ang isang litratong kanyang kuha sa unica hija nila ng kanyang asawang si Solenn Heusaff

- Ito ay kasabay sa paggunita niya ng unang buwan ni Baby Thylane Katana

- Paglilinaw ni Nico, picture lamang ng mata ni Thylane ang kanyang ibinahagi dahil hindi pumapayag si Solenn na ipakita niya ang mukha nito

- Ipinanganak ni Solenn si Thylane noong Enero 1 at hindi pa nila naipakikita ang mukha ng baby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May pasilip si Nico Bolzico kay Baby Thylane Katana na tampok ang magandang blue eyes nito, isang buwan matapos isilang ng kaniyang asawang si Solenn Heusaff.

Sa kaniyang Instagram, inilarawan ni Nico na "Best and most exhausting!" ang unang buwan nila ni Solenn bilang mga magulang kay Baby Thylane.

"Many lessons learned, but the most important is that we, men, are not only useless during the pregnancy but also after (at least the first 31 days)! We are simply decoration! Just be fully supportive and do everything your wife tells you to do without asking why!" aniya sa caption.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I only post the eye of Thylane coz if I show her @solenn will eradicate me from the world!" pagpapaliwanag niya kung bakit mata lamang ni Baby Thylane ang kanyang ipinakita.

Ipinanganak ni Solenn si Thylane noong Enero 1 at hindi pa nila naipakikita ang mukha ng baby.

Samantala, narito ang reaksiyon ng mga netizens sa Instagram post na ito ni Nico.

Ang ganda ng eye color ni Baby.
This guy is super funny. No wonder he won Solen's heart.
Nakakatuwa pag nag sibling cook off si Solenn at Erwan tas mag taste test na Nico kung alin mas masarap
Nice eyes. But colors will change pagka ilang months na, it will get darker. Aww, babies are so lovely!

Sa naunang ulat, marami ang naaliw sa prank na ginawa ni Solenn sa asawang si Nico.

Si Nico Bolzico ay isang Argentinean Business Executive mula sa Esperanza, Santa Fe, Argentina. Siya ang founder ng LM10 at Siembra Directa Corp.

POPULAR: Read more about Nico Bolzico here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel